Serena nanganak na sa first baby nila ni Thomas Bredillet

Serena Dalrymple nanganak na sa first baby nila ni Thomas Bredillet

Ervin Santiago |April 07,2024
facebook
share this

Serena Dalrymple nanganak na sa first baby nila ni Thomas Bredillet

Ervin Santiago - April 07, 2024 - 05:54 PM

Serena Dalrymple nanganak na sa first baby nila ni Thomas Bredillet

Thomas Bredillet, Serena Dalrymple at ang kanilang baby

NANGANAK na ang dating child star na si Serena Dalrymple sa first baby nila ng kanyang non-showbiz husband na si Thomas Bredillet.

Ibinahagi niya ang good news sa kanyang mga social media followers sa pamamagitan ng Instagram kahapon, April 6.

Nag-post si Serena ng isang photo kung saan makikita ang maliit na paa ng kanyang baby habang nakabantay ang mga alagang Golden Retriever at Siberian Husky.

Baka Bet Mo: AJ Raval hinamon ng mga ‘Marites’ na maglabas pa ng ebidensya para patunayang hindi siya nabuntis at nanganak

“Home sweet home,” ang maikling caption ng dating child star sa kanyang IG post. Wala siyang ibinigay na detalye tungkol sa kanyang panganganak.

November, 2023 nang ibandera ni Serena na magkakaanak na sila ng asawang si Thomas. Taong 2022 naman nang sila ay magpakasal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Serena (@sdalrymple)


Noong 2000 naman siya umalis ng Pilipinas at iniwan ang career niya sa showbiz at mula noon ay sa Amerika na siya nanirahan.

Baka Bet Mo: Jessy Mendiola nanganak na sa panganay nila ni Luis Manzano bago mag-Bagong Taon

Matatandaang unang nakilala si Serena sa isang commercial ng sikat na fast-food chain na naging daan para magbukas ang pintuan ng showbi para sa kanya.

Isa sa mga pelikula niya na talagang nagmarka sa mga manonood ay ang “Bata Bata Paano Ka Ginawa?” kung saan nakasama niya sina Vilma Santos at Carlo Aquino.

Marami rin siyang nagawa comedy films kasama ang yumaong Comedy King na si Dolphy pati na ang mga yumao na ring komedyante na sina Redford White at Babalu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bumuhos naman ang pagbati kay Serena ng kanyang mga IG followers kanilang na ang ilan sa mga kaibigan niya sa showbiz.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending