AJ Raval todo pasalamat sa ama: You will always be the first man I ever loved | Bandera

AJ Raval todo pasalamat sa ama: You will always be the first man I ever loved

Therese Arceo |October 17,2023
facebook
share this

AJ Raval todo pasalamat sa ama: You will always be the first man I ever loved

Therese Arceo - October 17, 2023 - 07:12 PM

AJ Raval todo pasalamat sa ama: You will always be the first man I ever loved

LABIS ang pasasalamat ng Vivamax star na si AJ Raval sa dating action star at kanyang ama na si Jeric Raval.

Sa pamamagitan ng isang Instagram post ay ibinandera ng sexy star kung gaano siya ka-thankful sa lahat ng mga sakripisyong ginawa ng kanyang Tatay Erick para sa kanilang pamilya.

“Thank you for your firm commitment and guidance to ensure our happiness and well being. I appreciate the sacrifices you have made to provide for our family,” panimula ni AJ.

Dagdag pa niya, “Thank you for all the Advice, wisdom and valuable lessons you have instilled in me. At ang pinaka
sa lahat ay ang pag bigay mo ng oras at atensyon saamin.”

Makikita sa ipinost ng dalaga na masayang nag-uusap at nagkukulitan ang mag-ama na tila kuha sa kanilang bahay.

Hirit pa ni AJ, “You will always be the first man I ever loved Tatay Erick.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Baka Bet Mo: AJ Raval iginiit na hindi siya ang dahilan ng hiwalayang Aljur-Kylie: Wala talaga kaming niloko, ikamatay man ng pamilya ko

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol ang naturang post ni AJ.

May mga netizens na natutuwa sa kanyang post habang ang iba naman ay binabanggit ang nakaraan ng kanyang current boyfriend na si Aljur Abrenica.

“Sweet [emoji] my dad died when I was 11 yrs old and gumuho mundo ko, nawala ng direction. Have to stand on my own. Huhu lucky you AJ,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Ang Sarap sa feeling na may tatay kapa, kung nabubuhay lang din Ang tatay ko Ganyan sana din kame ka sweet dahil mula bata ako pag tulog ko, Katabi ko ang papa ko! Nakakainggit lang kasi may papa kapa na mahal na mahal na ka [emoji] mahalin mo yung papa mo hanggat andyan sya, iparamdam mo sa kanya na andito lang kayu mga Anak mo! Ingatan mo yung papa mo dahil ang hirap kapag Wala kanang nanay at tatay!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Thats why if may mga parents kayo always always be thankful and iparamdam sakanila na love mo sila dahil yung iba never naramdaman yan,” hirit naman ng isa sa post ni AJ.

Related Chika:
Jeric diretsahang dinenay na buntis si AJ Raval: Kung totoo ‘yun ako ang unang makakaalam dahil…

AJ Raval may pa-‘Valentine reveal’, dyowa na si Aljur: I’ll always give you all the love i have in my heart

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending