Jeric Raval may tatlong bilin kay Aljur Abrenica matapos ang pakikipagrelasyon kay AJ Raval: Pakasalan mo ang anak ko | Bandera

Jeric Raval may tatlong bilin kay Aljur Abrenica matapos ang pakikipagrelasyon kay AJ Raval: Pakasalan mo ang anak ko

Therese Arceo |August 25,2023
facebook
share this

Jeric Raval may tatlong bilin kay Aljur Abrenica matapos ang pakikipagrelasyon kay AJ Raval: Pakasalan mo ang anak ko

Therese Arceo - August 25, 2023 - 08:19 AM

Jeric Raval may tatlong bilin kay Aljur Abrenica matapos ang pakikipagrelasyon kay AJ Raval: Pakasalan mo ang anak ko
INAMIN ng dating action star na si Jeric Raval na may tatlong bagay siyang ibinilin sa aktor na si Aljur Abrenica nang maging dyowa nito ang anak niyang si AJ Raval.

Sa kanyang panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda”, ay natanong siya kung ano ang reaksyon niya sa pagkakaroon ng relasyon ng dalawa.

Sinabi naman ni Jeric na nakausap niya si Aljur nang maging magkarelasyon ang dalawa at may tatlo siyang bilin sa aktor.

Aniya, talagang kinausap niya si Aljur ukol rito lalo na at bata pa ang kanyang anak. Unang-una niyang nilinaw kung hiwalay ba talaga ito sa asawang si Kylie Padilla, anak ng kanyang kaibigang si Robin Padilla. Sumagot naman daw ng oo ang binata.

“Alam mo tatlong bagay lang ang ipapakiusap ko sa’yo. Una, ‘yung anak ko e, bata pa ‘yan. Pangalawa, ‘yung biyenan mo e, kaibigan ko. E, ano kayang sasabihin ko sa biyenan mo kapag nagkita kami baka sabihin kinukunsinti ko kayo,” kuwento ni Jeric.

Aware naman ang lahat na bago ang pag-amin nina Aljur at AJ sa kanilang relasyon ay kakahiwalay lang nina Kylie at Aljur na mismong si Sen. Robin Padilla ang nagkumpirma. Bago ang hiwalayan ay dalawa ang naging anak nila, sina Alas at Axl.

Baka Bet Mo: AJ Raval 4 na beses pinagsasampal si Aljur Abrenica; game na game sa matitinding sex scenes sa ‘Sugapa’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Sabi ko e, iayos mo muna ang sarili mo iho. Wala naman akong problema sa inyo dahil buhay niyo ‘yan e. Pagdating doon sa buhay pag-ibig ng anak ko hindi ko na saklaw ‘yun e,” pagpapatuloy pa ni Jeric.

Makikita naman ang pagmamahal ng action star sa anak sa ikatlong pakiusap nito kay Aljur.

“Pangatlo, ang sabi ko sa kanya, ‘Ang anak ko gusto ko pakasalan mo. Basta kapag ayos ka na, wala ka nang problema, pakasalan mo ang anak ko,’” lahad pa ni Jeric.

Matatandaang February 14, 2023 nang unang aminin nila Aljur at AJ ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng pagpo-post sa Instagram.

Noong nakaraang buwan lang rin nang ibandera nila sa madlang pipol ang larawan kung saan masayang nakikipag-bonding si Aljur kasama sina Jeric at ang buo nilang pamilya.

Lately ay muling naging laman ng balita sina AJ, Aljur, at Kylie matapos punahin ng netizens ang out of the country trip nina AJ at Aljur.

Dito ay inispluk ng anak ni Jeric na hindi siya ang rason ng paghihiwalay ng dalawa na pilit ibinabato sa kanya ng madla at alam raw niya kung sino ang babaeng dahilan ng paghihiwalay ng dalawa.

Pinili na lang daw niyang huwag sabihin lalo na’t may anak na raw ito ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Jeric Raval sa panliligaw ni Aljur kay AJ: Walang magulang na gusto ang anak niya ay parang kabit

Jeric Raval kinausap si Aljur Abrenica nang lalaki sa lalaki: ‘Babae yung anak ko ‘tol, may anak ka rin…’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending