Jeric Raval sa panliligaw ni Aljur kay AJ: Walang magulang na gusto ang anak niya ay parang kabit Bandera

Jeric Raval sa panliligaw ni Aljur kay AJ: Walang magulang na gusto ang anak niya ay parang kabit

Reggee Bonoan |October 29,2021
share this

Jeric Raval sa panliligaw ni Aljur kay AJ: Walang magulang na gusto ang anak niya ay parang kabit

Reggee Bonoan October 29, 2021 - 09:41 PM

Jeric Raval sa panliligaw ni Aljur kay AJ: Walang magulang na gusto ang anak niya ay parang kabit

INAMIN ni Jeric Raval na marami siyang natatanggap na batikos mula sa netizens at kinukuwestiyon kung paano niya pinalaki ang anak na si AJ Raval na umano’y karelasyon ngayon ni Aljur Abrenica na dating asawa ni Kylie.

Dalaga kasi si AJ at kahit hiwalay na si Aljur kay Kylie ay nananatiling legal pa rin silang mag-asawa bagay na kinukuwestiyon ng netizens dahil bakit pumatol ang anak ni Jeric sa lalaking may sabit pa.

Sa panayam ni Jeric kay ‘Nay Cristy Fermin sa online show nitong “Cristy Ferminute” kasama si Romel Chika ngayong hapon, Okt 29 ay nabanggit nga niyang wala naman siyang kinalaman.

“Pagdating kasi sa ganyan, magulang kaagad ang tinatanong ng tao. Ang dami na nga nangba-bash sa akin wala naman akong kinalaman diyan at kung ganu’n daw ba pagpapalaki ko sa anak ko.

“Ang masasabi ko lang diyan, ang wish ko lang talaga, e, magkaayos ang pamilya ni Aljur at ang mga anak niya, mabuo ang pamilya niya.

“Ako wala akong masamang tinapay kay Aljur although kababayan ko ‘yan pareho kaming Kapampangan at kung siya’y talagang gusto niya ang anak ko, e, hindi ko naman mabantayan ang anak ko 24 hours basta i-ayos lang nila ang lahat.

“Kasi kahit anong sabihin natin, kasal pa rin si Aljur at saka si Kylie at walang magulang na gusto niya ang anak niya ay parang kabit. Walang magulang na ganu’n,” pahayag ng aktor sa batikang manunulat at online host.

Labing isang taon pala ang tanda ni Aljur kay AJ at diretsong sinabi ni Jeric, “napakasuwerte ni Aljur sa anak ko kasi hinubog ni Holiday (asawa niya) ng magandang pagpapalaki.”

Hindi raw lumaki si AJ sa biological mom nito dahil sa pamilya ni Jeric nagdalaga kaya busog sa pangaral.

Sa tanong ni ‘nay Cristy kung paano kinausap ni Jerica ng anak tungkol sa isyu.

“Sabi ko sa kanya, ‘AJ anak dapat ‘yan pag-ingatan n’yong mabuti kung magliligawan kayo kasi kahit ano pang sabihin natin ang paningin ng tao diyan, eh, baka isipin ikaw ay 3rd party although hindi ka naman 3rd party. Nagpapasalamat naman kami at nagsalita naman si Aljur,” kuwento ng aktor na isa sa cast ng Barumbadings.

Inamin din ni Jeric na sobrang apektado si AJ sa nangyari at nakita niya kung paano ito umiyak.

“Apektado ‘yung anak ko nakita ko, e, napaka-masiyahin ng batang ‘yun, eh. Playful pa nga ‘yun hanggang ngayon, naawa lang (talaga) ako. Ako okay lang ako ma-bash lalaki naman ako sanay ako sa ganyan. Wag lang ‘yung anak ko, iba pag anak ko naawa ako,” saad pa.

Sabay biro ng aktor, “salamat sa mga bashers, sikat pa pala ako (sabay tawa).”

Pero ang pakiusap niya sa bashers ng anak, “sa mga bashers ni AJ. As much as possible sana ayaw ko ng magsalita about this kaya lang pangit naman kung hindi ako magsasalita.

“Sana po lahat ng bashers niya ay maka-move on nap o tayong lahat. ‘Wag po natin masyadong personalin, unang-una hindi naman po natin (ninyo) kilala at kung may nakakakilala po sa anak ko, ako po ‘yun at sinisigurado kop o mabuting bata po ‘yan at mabait na bata.

“At ako naman, eh, naiintindihan ko ang pamba-bash n’yo, siguro naiinip lang kayo ha, haha. Well again, salamat sa inyo, “nakangiting sabi ng aktor.

Samantala, napag-usapan ang pelikulang Barumbadings na produced ng Viva Films at mapapanood na sa Nobyembre 5 sa Vivamax kasama sina Baron Geisler at Mark Anthony Fernandez na tinawag ni ‘nay Cristy silang ‘ipit gang,’

Iniipit daw kasi ng tatlong machong aktor ang kanilang private part para hindi ito mapansin dahil nakasuot sila ng pambabae.

“Hirap na hirap nga ako kasi hindi ako makakilos lalo na ako sumisipa ako. Sina Baron, nag-ahit pa ‘yan ng kili-kili,” tumawang sabi ni Jeric.

Sa tanong kung ano ang sikreto ni Jeric dahil baby face pa rin siya, “mahabang tulog, iwasan moa ng puyat, paninigarilyo lalo na ‘yung alak malakas maka-edad ‘yun.”

At dahil kasama si Baron sa panayam ni ‘nay Cristy ay biniro siya kung sisigaw ito ng ‘aray ko’ kasi nga umiinom ito ng alak.

“Si Baron, bugbog sa pangarap sa akin ‘yan, tanong n’yo siya,” sambit ni Jeric na nag-thumbs up naman si Baron.

At mahigpit din pala si Jeric sa mga kinakain niya hindi raw siya nakain ng karne puro gulay at isda lang, pambubuking ni Baron.

Related Chika:
Kylie sa pamba-bash kina AJ at Aljur: I wish you guys are more careful, don’t blame it on me

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending