AJ Raval pinuri ng netizens dahil sa pagrespeto kay Jeric Raval: 'Sana ganyan din ang mga anak ni Dennis Padilla!' | Bandera

AJ Raval pinuri ng netizens dahil sa pagrespeto kay Jeric Raval: ‘Sana ganyan din ang mga anak ni Dennis Padilla!’

Ervin Santiago |October 18,2023
facebook
share this

AJ Raval pinuri ng netizens dahil sa pagrespeto kay Jeric Raval: ‘Sana ganyan din ang mga anak ni Dennis Padilla!’

Ervin Santiago - October 18, 2023 - 11:50 AM

AJ Raval pinuri ng netizens dahil sa pagrespeto kay Jeric Raval: 'Sana ganyan din ang mga anak ni Dennis Padilla!'

Julia Barretto, Dennis Padilla, Jeric Raval at AJ Raval

IKINUMPARA ng mga intrigerang netizens ang sexy star na si AJ Raval sa mga anak ng veteran comedian na si Dennis Padilla.

Ito’y matapos nilang mabasa ang madamdamang mensahe ng original Vivamax Queen para sa kanyang amang si Jeric Raval.

Sa kanyang Instagram account nitong Linggo ibinandera ni AJ ang pagmamahal at pagrespeto niya sa veteran actor at action star. Nagpasalamat din siya kay Jeric sa palaging pagsuporta nito sa kanya.

“Thank you for your firm commitment and guidance to ensure our happiness and well being. I appreciate the sacrifices you have made to provide for our family.

Baka Bet Mo: Jeric Raval kinausap si Aljur Abrenica nang lalaki sa lalaki: ‘Babae yung anak ko ‘tol, may anak ka rin…’

“Thank you for all the Advice, wisdom and valuable lessons you have instilled in me. At ang pinaka sa lahat ay ang pag bigay mo ng oras at atensyon saamin,” ang caption ng aktres sa kanyang post.

Aniya pa, “You will always be the first man I ever loved Tatay Erick.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa comments section, may ilang netizen na nagkumpara kay AJ sa mga anak ng komedyanteng si Dennis Padilla. Anila, sana raw ay tumulad sina Julia sa anak ni Jeric.

Baka Bet. Mo: Jeric diretsahang dinenay na buntis si AJ Raval: Kung totoo ‘yun ako ang unang makakaalam dahil…

“Buti pa toh may respeto sa tatay anu man mga nakaraan ni Jerick eh. Yung isa, walang pake kay Dennis,” komento ng netizen.

Sagot ng isa pang IG follower ni AJ, “@mia_and_fledge agree ako Sa iyo Sana ganyan din mga Anak ni kuya Dennis Padilla.”

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikipag-ayos sina Julia sa kanilang amang si Dennis na aminadong nagtatampo dahil hindi na siya naaalala ng mga anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagsumbong pa nga siya sa kanyang social media followers na hindi man lang siya nakatanggap ng kahit anong mensahe noong nagdaang Father’s Day.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending