Jeric Raval kinausap si Aljur Abrenica nang lalaki sa lalaki: 'Babae yung anak ko ‘tol, may anak ka rin...' Bandera

Jeric Raval kinausap si Aljur Abrenica nang lalaki sa lalaki: ‘Babae yung anak ko ‘tol, may anak ka rin…’

Ervin Santiago |August 02,2022
share this

Jeric Raval kinausap si Aljur Abrenica nang lalaki sa lalaki: ‘Babae yung anak ko ‘tol, may anak ka rin…’

Ervin Santiago August 02, 2022 - 04:22 PM

Jeric Raval, AJ Raval at Aljur Abrenica

HANGGANG ngayon ay tikom pa rin ang bibig ng hunk actor na si Aljur Abrenica tungkol sa hindi mamatay-matay na chikang buntis ang rumored girlfriend niyang si AJ Raval.

Wala pa ring diretsahang pag-amin ang estranged husband ni Kylie Padilla kung magdyowa na nga sila ni AJ sa kabila nga ng mga balitang matagal na silang may relasyon.

Sa isang panayam sa Vivamax bombshell, sinabi niyang hindi nila itatago ni Aljur sakaling maging magdyowa sila. Ibabandera raw nila ito nang bonggang-bongga sa publiko.

“Puwede po akong ma-in love sa kanya. Kahit sino naman po, napakabuting tao po ni Aljur. Napaka-pure po, totoong tao. Possible naman po na ma-in love ako sa kanya,” ang natatandaang sabi ng dalaga patungkol sa aktor.

At mukhang agree naman ang tatay ni AJ na si Jeric Raval sa pagiging mabuting tao ni Aljur dahil pero kailangan din daw niyang paalalahanan ang anak sakaling magiging magdyowa nga ang dalawa.

Sey ni Jeric sa panayam ni Ogie Diaz para sa YouTube channel nito,  nagkakasalubong naman daw sila ni Aljur nitong mga nakaraang buwan at nakapag-usap na rin daw sila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jeric Raval (@jeric.ravalofficial)


Ang tila warning lang ni Jeric ay hindi sana madehado o maging kawawa sa huli ang kanyang anak.

“Nag-usap na naman kami (ni Aljur) nang lalaki sa lalaki. Sabi ko, ‘Tatlong bagay lang ang hihingin ko sa ‘yo, anak, kung talagang mahal mo yung anak ko. Iayos mo muna yung buhay mo, iayos mo muna yung sarili mo.

“’Lahat nasa ayos, lahat nasa lugar. So whatever happens, hindi naman lumitaw na disgrasyada yung anak ko. ‘Babae yung anak ko ‘tol, may anak ka rin.’

“Na-evaluate ko naman siya, mabait naman. He’s a good person,” pahayag ni Jeric.

Samantala, natanong din ni Ogie ang action star tungkol sa chikang nagdadalang-tao si AJ na ilang beses nang dinenay ng sexy star.

“Sabi ko nga kay Bats (tawag niya sa anak) bakit kaya hindi mo sagutin? Sabi sa akin, ‘nagsawa na ako sa kasasagot ‘Tay Eric, three months ago, four months ago.’

“Sabi ko asan ka ba ngayon at sabi nga niya nagsu-shooting siya. Nasa Angeles sila ngayon tinatapos niya ‘yung movie niya sa Viva.

“Hindi (buntis). E, bakit siya nagsu-shooting? Saka kung buntis, e, di mabuti at least hindi pala siya baog. Ha-hahaha!” sagot ni Jeric sabay tawa nang malakas.

Jeric Raval, Alyssa Alvarez nag-react sa isyung buntis ang anak na si AJ

Jeric Raval sa panliligaw ni Aljur kay AJ: Walang magulang na gusto ang anak niya ay parang kabit

Sey ni Cristy Fermin, Rabiya bumaklas na sa relasyon nila ni Jeric; hinamon din ang kampo ng aktor

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending