Alyssa Alvarez nilinaw ang isyu kung anak ni Jeric Raval si Vanessa: Walang salisihang nangyari | Bandera

Alyssa Alvarez nilinaw ang isyu kung anak ni Jeric Raval si Vanessa: Walang salisihang nangyari

Therese Arceo |July 05,2023
facebook
share this

Alyssa Alvarez nilinaw ang isyu kung anak ni Jeric Raval si Vanessa: Walang salisihang nangyari

Therese Arceo - July 05, 2023 - 05:14 PM

Alyssa Alvarez nilinaw ang isyu kung anak ni Jeric Raval si Vanessa: Walang salisihang nangyari

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin namamatay ang isyu kung anak nga ba ni Jeric Raval si Vanessa Raval kaya nagsalita na si Alyssa Alvarez.

Sa kanyang TikTok account ay sinagot niya ang tanong ng isang netizen sa comment sa isa niyang post na inuusisa kung totoong anak ba ni Jeric si Vanessa.

“Siyempre ako lang rin naman ang makapagsasabi niyan kung anak niya o hindi. Wala nga rin akong ganang sagutin yung mga ganitong tanong kasi paulit ulit na lang po,” panimula ni Alyssa.

Aniya, wala naman daw nagsabi sa kanilang pamilya na hindi anak ni Jeric si Vanessa.

Saad ni Alyssa, “Wala din namang nagsabi kahit sino sa amin o kahit yung tatay niya na hindi niya anak si Vane. Puro hearsays lang yun. Pero nanggaling sa bibig mismo ng tatay niya, hindi niya yun sinabi.”

Sey niya, lahat raw ng kanyang mga anak ay iisa lang ang ama.

Baka Bet Mo: Jeric Raval, Alyssa Alvarez nag-react sa isyung buntis ang anak na si AJ

“Walang salisi, walang salisihang nangyari. Dahil 15 pa lang ako jowa ko na yung tatay niyan at naghiwalay lang kami nung 2017,” lahad pa ni Alyssa.

Giit pa niya, “Kahit kailan hindi ako nalandi sa iba para magkaroon ng anak sa iba in between.”

Nawa’y ito na raa ang magbigay linaw sa mga tao hinggil sa isyu at matigil na ito.

“Proud ako sa sarili ko na kahit maramo akong anak at kahit anong ipinupukol sa akin, e alam ng kaibuturan ng puso ko at alm ng Panginoong Diyos ay iisa lang ang ama ng mga anak ko.”

Matatandaang ibinalita noon ni Ogie Diaz na hindi raw pala anak ni Jeric si Vanessa Raval. Ito raw kasi ang in-ispluk sa kanya ng action star at sa halip pinsan raw niya ang ama nito.

“’Yun ang malinaw. Pero sabi ko sa kanya, kay Jeric, ‘Pero kamukha mo ah’. Sabi niya, ‘Oo, pero hindi ko siya anak. Hindi ko naman itatanggi kung anak ko ‘no. Eighteen nga anak ko, hindi ko itinanggi. Hindi naman sa’kin ‘yan. Hindi ko nga alam sa batang ‘yan ba’t ganyan ang mga naglalabasan sa kanya.’ E wala naman daw siyang social media nakakarating-rating lang sa kanya,” lahad ni Ogie.

Pinabulaanan naman ng anak ni Alyssa ang mga pahayag nito sa isang Facebook live.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Jeric ayaw pag-usapan ang anak na si Vanessa Raval; hindi rin suportado ang paghuhubad ni AJ

Cristy Fermin pumalag sa ina ni AJ Raval: Hindi ninyo pa diniretso na huwag pakialaman ang buhay ng anak n’yo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending