Cristy Fermin pumalag sa ina ni AJ Raval: Hindi ninyo pa diniretso na huwag pakialaman ang buhay ng anak n’yo | Bandera

Cristy Fermin pumalag sa ina ni AJ Raval: Hindi ninyo pa diniretso na huwag pakialaman ang buhay ng anak n’yo

Reggee Bonoan |July 22,2022
facebook
share this

Cristy Fermin pumalag sa ina ni AJ Raval: Hindi ninyo pa diniretso na huwag pakialaman ang buhay ng anak n’yo

Reggee Bonoan - July 22, 2022 - 06:01 PM

 Cristy Fermin pumalag sa ina ni AJ Raval: Hindi ninyo pa diniretso na huwag pakialaman ang buhay ng anak n’yo
PINALAGAN ni Nanay Cristy Fermin ang cryptic post ng biological mother ni AJ Raval na si Alyssa Alvarez sa kanyang Facebook page sa “Cristy Ferminute” radio5 sa 92.3 NewsFM kasama si Romel Chika kaninang tanghali.

Ayon kay Ginang Alyssa, “Mabuhay po tayo ng mapayapa na walang pakialam sa buhay ng iba. Linisin ko muna itong FB ko, mukhang bibisitahin na naman ng mga Marites, palit dp. Kelangan maganda ako.

“Tapos I-inglisin ko na mga post ko. Wait nga. Open ko na rin ang messenger ko para maaway n’yo ko kase baka di naman makatulog mga taong ‘to.”

May kinalaman ang post na ito ng ina ng Vivamax sexy star dahil sa isyung nagdadalangtao ito na laman siya ng mga balita sa pahayagan, online shows at showbiz websites.

Ang batikang manunulat na si Cristy Fermin ang unang nagbalita tungkol sa kalagayan ni AJ na buntis at si Aljur Abrenica ang ama sa radio show nila ni Romel Chika na “Cristy Ferminute” at sa “Showbiz Now Na” YouTube channel na kasama naman ulit si Romel at Morly Alinio.

Itinanggi ni AJ na nagdadalangtao siya na ang rason kung bakit hindi siya nakakapag-shoot ay dahil may COVID-19 siya.

Base rin sa sabi ng manager niyang si Jojo Veloso na nakausap namin kagabi sa mediacon ng “Huwag Mong Agawin ang Akin” na ginanap sa Botejyu Estancia ay nasa hospital nga ang dalaga at magpapa-interview siya sa darating na linggo.

Ayon kay ‘nay Cristy ay napanood niya sa “One Balita” ang pahayag ni Jeric Raval na ama ni AJ.

Say ng manunulat at host na sabi ni Jeric, “Kapag nasa showbiz ka, artist aka dapat talaga matibay ang dibdib mo at kailangan talaga mahabang pang-unawa. Matagal at ilang dekada ng artista si Jeric Raval na mahal ko at mahal mo dahil kahit kailan hindi ako ginawan ng palso ng taong ito

“Pero umeksena itong nanay ni AJ, si Alyssa Alvarez, ‘yung tunay na ina ito ni AJ.

“Ito lang po ang gusto naming iparating sa inyo, una hindi po kami galit kay AJ. Mahal namin ang kanyang ama at kapag mahal namin ang tatay o magulang may extension po iyong pagmamahal sa anak.

“Kayo (Alyssa) po ay hindi pa namin nakikilala ng personal pero dapat lalo na nu’ng panahon ng bardagulan ni AJ at saka ng mga fans ni Kylie (Padilla) dapat po ay alam ninyo kapag nasalang na sa ganito si AJ ay dahil public figure siya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)

“Ako rin po siguro kung may anak akong babae bukod kay Bulak talaga magagalit din siguro ako kapag alam ko naman na hindi nagdadalangtao ang anak ko pero ang laman ng mga pahayagan ay nagdadalangtao siya, tama po ‘yun.

“Hindi po kapitbahay ang susuporta sa anak n’yo kundi kayo, pero pakitanggal po ‘yung ‘huwag pakialaman ang buhay ng iba dahil hindi ninyo pa diniretso na huwag pakialaman ang buhay ng anak n’yo, dapat ganu’n.

“Alam n’yo po hindi puwedeng hindi pakialaman ng mga basher maging ang mga manunulat, maging ang mga ganitong programa sa buhay ni AJ.

“Kung aalisin n’yo po siya sap ag-aartista at pribado na siya, may karapatan po kayong magalit. Pero ngayon po public figure si AJ. Binuksan po niya ang pintuan ng kanyang buhay para pasukin ng publiko.

“Sabay po nating pangaralan si AJ, sabay nating bigyan ng magandang pag-alalay itong si AJ. Pakisabihan din po ang anak ninyo na huwag siyang magbibilad bilad ng kanyang katawan na halos ipakita na ang pinakasi-sekreto niyang bahagi para hindi siya bina-bash.

“Pangalawa, alam naman po natin na hindi pa naman pinawawalang bisa ang kasal ni Aljur (Abrenica) at ni Kylie. Alam n’yo po na magiging magulo ang sitwasyon.”

At ang karagdagang kuwento pa ni nanay Cristy ay tatlong beses nag-negatibo sa antigen test si AJ kaya paano siya nagkaroon ng COVID 19?
“Lagi naming sinasabi na may karapatan ang mga artista na mag-deny pero mas kahanga-hanga kapag tinanggap at inamin. Magulo ang siwasyon, sabi po nya (AJ) nag-positive siya sa COVID 19.

“Nag-imbestiga po kami sa shooting sa produksyon mismo ng pelikula na iniwan muna nitong si AJ Raval.

“Paano kaya niya sasagutin na tatlong beses siyang nagpa-antigen test (at) puro negative. Una, pag-alis, sumunod nap ag-alis at ikatlong pag-alis na negatibo siya sa antigen test. So, kung negatibo ka sa antigen test, wala kang COVID?

“Nagkakagulo po dahil kahit ang kanyang mga kasamahan sa produksyon ay hindi malaman kung kailan sila babalik. Ang sabi may last 2-days pa raw itong si AJ para kumpletuhin ‘yung pelikula.

“Pero umaalis nga siya, tatlong beses siyang umaalis at sa tuwing babalik siya ina-antigen silang lahat pati itong si AJ at negative ang resulta kaya sila (production) nagtataka kung paano nya nsabing positive siya sa COVID 19?”tanong ni nanay Cristy.

Bukas ang BANDERA sa panig ni AJ o ng kampo niya tungkol sa isyu.

Related Chika:
AJ Raval ibinandera ang flat tummy, itinangging buntis

AJ Raval kumpirmadong buntis, si Aljur Abrenica nga ba ang ama?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin kay Kris: Kung ikaw ay may matinding sakit, bakit nakuha mo pa akong i-text nang milya-milya para lang sumbatan ako?

Cristy Fermin sa diumano’y pagbubuntis ni Julia Montes: Aminin kung totoo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending