Hirit ni Jeric kay Robin: ‘Tol, wala akong kinalaman diyan!’
NAKAKAALIW ang naging guesting ng action star na si Jeric Raval sa weekly morning talk show ng GMA 7 na “Sarap, Di Ba?”
Sumabak si Jeric sa “Trip to the Hotseat” segment ng “Sarap, ‘Di Ba?” kung saan game na game niyang sinagot ang personal at maiintrigang tanong tungkol sa kanya.
Sa isang bahagi ng programa, nahingan ng mensahe si Jeric para sa kaibigan at kapwa action star na si Sen. Robin Padilla.
Si Robin ang tatay ni Kylie Padilla na dating asawa ng hunk actor na si Aljur Abrenica na karelasyon naman ngayon ng anak ni Jeric na si AJ Raval.
Ang tanong ni Carmina kay Jeric, “Kung makakausap mo ngayon ang kaibigan mong si Robin Padilla tungkol kay Aljur, ano ang sasabihin mo sa kaniya?”
Baka Bet Mo: Sey ni Cristy Fermin, Rabiya bumaklas na sa relasyon nila ni Jeric; hinamon din ang kampo ng aktor
Biglang natawa ang aktor sabay tanong kay Carmina ng, “Bakit ako nagpapaliwanag? Hindi naman ako ang nakipagrelasyon.”
Pagpapatuloy pa niya, “Basta ako ang sasabihin ko lang, tol, wala akong kinalaman diyan ha. Hindi ko alam ‘yan.”
Aniya pa, hindi siya yung tipo ng tatay na nakikialam o nagdidikta sa pakikipagrelasyon ng kanyang mga anak.
“Ako kasi pagdating sa lovelife ng mga anak ko, hindi ako nakikialam.
“Tayo namang mga magulang lagi naman tayong nandiyan para sa kanila,” pahayag ng aktor.
Follow-up question ni Carmina, kumusta na raw ba sina Jeric at ang boyfriend ni AJ na si Aljur, “Okay naman kami, mabait naman ‘yung bata.”
Baka Bet Mo: Jeric Gonzales feeling super lucky nang maging dyowa si Rabiya Mateo; may pinatunayan sa mga laiterang basher
Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” ibinahagi ni Jeric ang naging usapan nila noon ni Aljur about AJ, “‘Alam mo tatlong bagay lang ang ipapakiusap ko sa ‘yo. Una, ‘yung anak ko ay bata pa. Pangalawa, ‘yung biyenan mo (Robin) ay kaibigan ko. E ano kayang sasabihin ko sa biyenan mo ‘pag nagkita kami? Baka sabihin kinukunsinti ko kayo.’”
“Sabi ko, ‘Iayos mo muna ‘yung sarili mo, hijo. Wala naman akong problema sa inyo dahil buhay niyo ‘yan e. Pagdating sa buhay pag-ibig ng anak ko, hindi ko na saklaw ‘yon.’
“Pangatlo, ang sabi ko sa kanya, ‘Ang anak ko, gusto ko pakasalan mo. Basta ‘pag ayos ka na, wala ka nang problema, pakasalan mo ‘yung anak ko,’” sey pa ni Jeric.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.