'Alaga' ni Robin Padilla bumulaga nga ba habang nagla-live selling si Mariel Rodriguez? | Bandera

‘Alaga’ ni Robin Padilla bumulaga nga ba habang nagla-live selling si Mariel Rodriguez?

Ervin Santiago |September 26,2023
facebook
share this

‘Alaga’ ni Robin Padilla bumulaga nga ba habang nagla-live selling si Mariel Rodriguez?

Ervin Santiago - September 26, 2023 - 03:59 PM

Alaga ni Robin Padilla bumulaga nga ba habang nagla-live selling si Mariel Rodriguez?

NAG-HELLO raw ang private part ni Sen. Robin Padilla habang nakasalang sa live selling ng kanyang asawang si Mariel Padilla.

Aksidenteng bumuyangyang ang “junior” ng aktor at public servant nang biglang umeksena sa online selling session ni Mariel nitong nagdaang Sabado, September 23.

Nagpo-promote kasi ang celebrity couple ng isang food supplement na pareho nilang ineendorso.

Sa isang viral video na hindi na makita ngayon sa social media, makikita si Robin na nagtitimpla ng naturang food supplement. Inalug-alog niya ito habang nasa drinking container.

Kasunod nito, biglang yumuko ang aktor at senador at dito nga nakita ng mga nanonood sa online selling ni Mariel na wala siyang suot na underwear at tanging thobe (Muslim robe) lamang ang nakabalot sa kanyang katawan.

Baka Bet Mo: Ruru Madrid natulala nang unang makita si Robin Padilla: ‘Hindi po ako nakagalaw sa kinatatayuan ko, pakiramdam ko hindi siya tao’

At dahil nga rito, aksidentemg bumalaga ang kanyang private part sa mga netizens na nakatutok sa live selling session ni Mariel.

Wala pang inilalabas na reaksyon si Robin hinggil sa kanyang viral video habang si Mariel ay ayaw na raw mag-comment tungkol dito.

Sa mga hindi pa aware, hindi ito ang unang pagkakataon na nakitaan ng private part si Robin dahil noong 2011, ay nangyari na rin ito sa kanya.

Ito’y sa dokumentaryo naman ng love story nila ni Mariel na ipinalabas noon sa ABS-CBN na may title na “Iisang Landas: Ang Kuwentong Pag-Ibig nina Robin at Mariel.”

“Patawad po sa mga na-offend. Sa mga natuwa naman po ay salamat. Pero hindi po namin intensiyon yun na ganoon.

“Kasi sa katunayan ay ngayon lang po ako nakitang naka-boxer shorts. Twenty-five years na po ako sa pelikulang Pilipino at talagang ngayon lang ito naganap. Siguro talagang kailangan na talaga akong mag-underwear,” ang pahayag ni Robin sa isang panayam.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Mariel Rodriguez may bagong nadiskubre kay Robin Padilla bilang asawa, ano kaya yun?

Robin Padilla personal na pinuntahan ni Coco Martin para mag-sorry, inaming kulang ang kaalaman sa Islam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending