Robin Padilla personal na pinuntahan ni Coco Martin para mag-sorry, inaming kulang ang kaalaman sa Islam | Bandera

Robin Padilla personal na pinuntahan ni Coco Martin para mag-sorry, inaming kulang ang kaalaman sa Islam

Therese Arceo - February 17, 2023 - 08:29 PM

Robin Padilla personal na pinuntahan ni Coco Martin para mag-sorry, inaming kulang ang kaalaman sa Islam
PERSONAL na nagpunta sa tanggapan ni Senador Robin Padilla ang actor-director na si Coco Martin upang humingi ng tawad.

Ito ay hinggil sa kontrobersyal na eksena sa “FPJ’s Batang Quiapo” at inamin naman niyang kulang siya sa kaalaman sa Islam.

“Ako po ay humaharap sa inyo ngayong araw na ito upang magbigay ng pahayag patungkol po sa isang episode ng teleseryeng Batang Quiapo na ipinalabas noong ika-14 ng Pebrero, araw po ng Martes – na masasabi po nating tumawag sa atensyon ng ating mga kababayan, partikular na po sa komunidad naming mga Muslim,” umpisa ni Robin.

Aniya, nauunawaan daw niyang nasaktan ang mga kapatid na Muslim na tila kinukunsinte ng mga ito ang pagnanakaw ng karakter ni Tanggol.

“Kaalinsabay po nito ang naging paggamit ng mga relihiyosong imahe, katulad po ng Golden Mosque, adhan (ito po ang tawag sa pagdasal), at mga kasuotang ginagamit po sa pagdadasal ng isang Muslim,” dagdag pa ni Robin.

Saad pa niya, malaking kasalanan raw sa Islam ang anumang uri ng pgnanakaw at pati na rin pagkunsinti sa mga magnanakaw.

Lahad ni Robin, “Kaugnay nito, nais kong ipaalam na personal po na pumunta sa aking tanggapan si Ginoong Director Coco Martin upang ibigay po ang kanyang paliwanag sa kontrobersyal na bahagi ng kanyang teleserye.

“Personal ko pong narinig at nakita at naramdaman ang sinserong paghingi ng paumanhin ng aking kapwa-aktor at direktor sa lahat po ng mga nasaktan sa nasabing paglalarawan.”

Sabi pa ni Robin, sigurado siyang walang masamang intensyon si Coco at siya mismo ang tumitiyak na mabuti ang kalooban nito.

Inamin rin daw ng actor-director na mayroon siyang kakulangan sa kaalaman sa Islam.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)

 

Pakiusap ni Robin, “Mga mahal kong kapatid, ako na po ang naggagarantiya sa mabuting kalooban ni G. Coco Martin. At sigurado po akong wala siyang masamang intensyon kanino man. Inaamin po niya na kulang ang kanyang kaalaman sa Islam, kung kaya’t sa halip po na ating kutyain ang kanyang pagkukulang, ako na po ang nananawagan po sa inyo upang atin itong sama-samang bunuan.

“Sampu po ng mga bumubuo ng Batang Quiapo, sila naman po ay nangangako na mas magiging maingat at sensitibo sa pagsasalarawan ng mga sektor lalo’t higit po kung nakasalalay dito ang imahe ng kultura, tradisyon, at maging relihiyon.”

Lahad pa ni Robin, talagang mayaman at makulay ang komunidad ng mga Muslim sa Maynila partikular na sa Quiapo.

“Ang atin pong dalangin: nawa’y samahan pa tayo ng lahat ng industriya sa bansa upang matuldukan na natin sa wakas ang hindi magandang stereotype patungkol sa mga Muslim, at paniniwalang Islam. In sha Allah,” sey pa ng senador.

Ayon pa kay Robin, ang mga pangyayari raw na ito ay pagkakataon para mas lalo pang mapagtibay sa pamamagitan ng da’wah at makapag-bigay alam sa ating lipunan tungkol sa pananampalatayang Islam.

“Mga kapatid ko, may mga bagay pong nangyayaring hindi natin gusto. Mukhang sa unang tingin hindi maganda, pero ito po nakikita natin, ito po ay nakakaganda para sa da’wah. Ito ang pagkakataon para lumabas po tayong lahat at mag da’wah tayo patungkol po sa tamang katuruan ng Islam.

“Huwag po tayong mangutya. Huwag po natin kutyain ang ating mga kapatid na hindi Muslim, na hindi nakakaalam sa ating pananampalataya. Bagkus, sila po ay ating yakapin, kausapin, itong pagkakataon na ito malaman po nila kung ano ang Islam,” hirit pa ni Robin Padilla.

Related Chika:
Angel: Basta ang alam ko ang mga Muslim ayaw ng violence, ayaw nilang nakakasakit ng kapwa

Bakit nga ba pumili ng mga social media influencers si Coco Martin na maging parte ng ‘Batang Quiapo’?

Coco namura na rin ng direktor, binayaran ng P2k sa ginawang pelikula; Cherry Pie nanawagan sa mga sikat na youngstar

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Coco Martin puring-puri ni Cristy Fermin, ikinumpara kay Willie Revillame

Bakit nga ba maraming Pinoy ang bumoto kay Robin Padilla para maging senador?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending