Coco namura na rin ng direktor, binayaran ng P2k sa ginawang pelikula; Cherry Pie nanawagan sa mga sikat na youngstar
NAKAKA-TOUCH ang mensahe at panawagan ng premyadong aktres na si Cherry Pie Picache sa mga kabataang artista ngayon para sa showbiz industry.
Nagpaalala kasi si Ms. Pie sa lahat ng mga sikat na celebrities ngayon na patuloy na sinuswerte at namamayagpag sa mundo ng telebisyon at pelikula.
Sa naganap na grand mediacon ng “FPJ’s Batang Quiapo,” kung saan isa si Cherry Pie sa mga makakasama ni Coco Martin, nakiusap siya na sana’y magkaroon pa ng maraming tulad ni Coco na may malasakit sa showbiz lalo na sa mga senior actors.
“Sana kapag tumanda ako katulad ni Pen (Medina), sana sa mga batang artista na henerasyon ngayon, sana merong isang Coco Martin na magbibigay halaga sa mga elder actors.
Edu, Cherry Pie naging magdyowa na 20 years ago: Tahimik lang kami noon, it was almost a year
“Kasi kung anuman ang pinundar nila, ‘yun din ang nagbigay ng inspirasyon, ng leksyon sa ‘ming mga batang artista,” ani Ms. Pie.
Dugtong pa niya, “Sana kaming nasa edad ngayon, sa mga batang henerasyon ngayon na artista, it’s not just about social media, it’s not just about how many likes you have or your followers.
View this post on Instagram
“It’s your dedication to your craft and it’s how kind and dedicated and committed you work with other people, hindi lang sa co-actors mo kundi sa lahat ng parte ng team. Sa staff, sa crew, sa utility, sa buong community ng pagtatrabahuan mo,” aniya pa.
Pinasalamatan din niya si Coco sa pagtulong kay Pen Medina noong sumailalim ito sa spine surgery last year, “Ang dami-raming tinulungan ni Coco na ‘yung iba, hindi na nga niya pinapaalam.
“Ang sinasabi niya nga kanina, bakit hindi mo bibigyan ng pagkakataon kasi minsan di ba, pagkakataon lang ang kailangan para maipakita ‘yung biyaya na binibigay sa kanila ng Diyos at ‘yun ang ipinagkakaloob at sine-share generously ni Coco. Salamat,” aniya pa.
Pagbabalik-tanaw naman niya noong nagsisimula pa lang si Coco sa showbi, “Dati kasama ko si Coco sa isang indie film, ‘Foster Child.’ Noon pa man sobrang sipag na niya kasi magsisimula kami ng alas siyete ng umaga magsu-shooting, matatapos kami, gabi.
“Si Coco nandoon lang sa isang tabi, kaibigan na namin siya, kakilala na. Sasabihin namin, ‘Co, ano ginagawa mo diyan?’ (Isasagot niya) ‘Naghihintay lang ako baka kailangan ng talent, maglalakad o mag-aano basta andito lang ako.’ Hindi talaga siya umaalis kaya noon pa man sobrang hard working na ‘yan.”
Vilma sa relasyon nina Edu at Cherry Pie: I’m happy, I wish them the best
“I just really feel blessed. Sinabi niya kanina mahirap siyang katrabaho kasi masipag siya, ‘yung commitment niya tsaka dedication niya sa craft niya, sa creativity niya, sa trabaho niya and I love working with these kinds of people, so nagpapasalamat ako na kasama ako,” aniya pa.
Samantala, ayon kay Coco, ibinabalik lamang niya sa kanyang kapwa lalo na sa mga taga-industriya ang natatanggap na mga blessings.
“Nagsimula rin ako sa wala. Sabi ko nga dati ano lang ako eh, extra. First acting experience ko, minura ako ng direktor tapos pinapapalitan ako. Mahirap ‘yung pinagdaanan ko bago ako naging ganap na artista talaga. Hindi man totally pag-aartista ang pangarap ko, ang hirap nung oportunidad.
“Naranasan ko dati kahit nag-eextra ka na, ngayon meron, six months wala. Nu’ng nag-iindie films ako naranasan ko P2,000 lang ‘yung binayad sa ‘kin, ako bida sa buong pelikula. Kumbaga talagang gapang,” dagdag pa ni Coco.
“Ngayon na kahit paano may pagkakataon ka or nasa kamay ko na makatulong, bakit ko ipagkakait? Eh, kasi ‘yan ‘yung hinihintay ko dati para mabuhay ko ‘yung pamilya ko.
“Kaya ‘yung nakikita ko ‘yung mga tao na kung pupwede kong tulungan at nakikita kong deserving, bakit hindi? Bakit ko pahihirapan pa? Ang daling ibigay, ang binibigay ko naman sa kanila trabaho, hindi naman manggagaling sa bulsa ko ‘yan, eh.
“Pero isa lang lagi kong hinahanap sa kanila, ‘yung commitment, dedication at saka ‘yung pagiging professional at saka ‘yung mahalin lang nila ‘yung trabaho,” lahad pa ng Teleserye King.
Magsisimula na ang “FPJ’s Batang Quiapo” bukas, February 13 sa lahat ng platforms ng ABS-CBN.
Relasyong Cherry Pie, Edu aprub sa mga celebs pero ninega ng ilang bashers
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.