Mariel umamin: Yung naibigay ni Robin sa other children niya hindi niya naibigay sa kids ko | Bandera

Mariel umamin: Yung naibigay ni Robin sa other children niya hindi niya naibigay sa kids ko

Reggee Bonoan - April 05, 2022 - 11:08 AM

Mariel Rodriguez at Robin Padilla

“TOTOO ba ‘yung balita na kaya ka nagla-live selling ay para makatulong kay Robin Padilla dahil nga tumatakbo siyang senador?”

Ito ang diretsong tanong ng vlogger cum talent manager na si Ogie Diaz sa asawa ng aktor na si Mariel Rodriguez-Padilla.

Sa sariling YouTube channel ni Ogie ay si Mariel ang special guest niya dahil gusto nitong malaman ang tungkol sa pinag-uusapang pagla-live selling nito na inaabot hanggang alas-dos ng madaling araw.

“Yes, most of ‘yung kinikita ko talaga ipinangbibili ko ng tarp (tarpaulin), pinangpapagawa ko ng t-shirt,” diretsong sagot ni Mariel.

Sa huling kinita niya sa pagla-live selling ay nakapagpagawa na raw siya ng iba pang campaign materials.

“Kasi pag nagpapagawa ako ng mga t-shirt hindi naman ‘yung maramihan na parang 50,000.  Wala namang ganu’n, eh, tingi-tingi lang at pag nagpapagawa ako ng tarpaulin at caps, 1,000 ganu’n.  Slowly little by little ko lang napapagawa,” pagtatapat ng wifey ni Robin.

Balik-tanong ni Ogie, “Siyempre ang tanong ng iba, wala bang budget si Robin Padilla?  Bakit si Mariel ay kailangang mag-dispose ng mga collection niya?”

“Hindi naman kailangan. Gusto ko!  But wala naman talaga kaming money for that, for those things and alam mo ang dami talagang humihingi sa akin ng t-shirt sasabihin nila gusto nilang tumulong, gusto nila ng tarpaulin pero sa akin lagi sila humihingi,” paliwanang ni Mariel.

Sa tanong kung magkano na inabot ang lahat ng napagbentahan ng gamit ni Mariel, “Ay hindi ko pa nako-compute lahat kasi kakagawa ko lang kagabi. Pero marami na rin, marami ‘yung items, so, from that like last one, medyo malaking bulto ‘yung napagawa ko kaya ngayon nag-round two (live selling).

“Sabi niya (Robin) bakit may round two? Akala ko ba once a month mo lang ‘yan gagawin? Kasi nagpaalam ako sa kanya kung puwede akong mag-live selling habang mainit pa saka ngayon kailangan kasi sunud-sunod, di ba?” esplika ni Mrs. Padilla.

Fan na fan si Mariel sa ng mga nagla-live selling, sa katunayan ay inaabot siya ng ala-una y media ng madaling araw sa kapapanood at “miner” siya kaya ang dami niyang napapamili.

Pero kinlaro niya na ang mga binibili niya sa live selling ay hindi kasama sa mga gamit na ibinebenta niya dahil marami siyang stocks na mas dapat unahing pakawalan.

“Siyempre ‘yung mga bagong bili ko hindi ko pa na-enjoy ‘yun masyado, so, enjoyin ko muna. Meron akong ganu’n (ugali) hindi ko kailangang gamitin pero the fact na nandoon (cabinet) nakikita ko happy na ako do’n,” katwiran ni Mariel.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla)


Napag-usapan din nina Ogie at Mariel ang pagiging generous o giving ni Robin sa tao at hindi raw ito pinipigilan ng asawa niya.

“Alam mo si Robin hindi siya tanga kaya hindi mo mapagsasamantalahan. Nu’ng una, nasa-shock pa ako, pero ngayon wala na that is really him!

“Siguro I would get upset for example hindi siya makapag-provide for my children. For example, naagrabyado mga anak ko, pero no! Robin is a good provider sa lahat ng mga anak niya, sa lahat sa kanila.

“Financially pag sinabing dito mag-aaral sa mga ano, ibinibigay niya iyon sa mga anak niya. It was my choice of school and ‘yung everyday when he is not home I always explain to the kids, ‘daddy is working so that we can have food.’  At that age ini-explain ko sa kanila kasi siyempre hinahanap nila ‘yung tatay nila. He is a good father, so, hindi ako puwedeng magreklamo.

“Kaya ako nagtatrabaho para ‘yung mga sarili kong luho mabibili ko kasi hindi naman ako bibilhan ni Robin Padilla ng mga luho ko which is fine because ‘yung necessity namin, kanya (pay niya), ‘yung everyday (gastos), pa-aircon favorite ng mga anak ko mana sa nanay (sabay turo sa sarili).

“Pag nawalan kami ng aircon baka magalit ako do’n kasi namimigay kami (ng aircon) pero kami walang pa-aircon. Nu’ng nahulog nga ‘yung electric fan binilhan ako ng aircon, dalawa. Mabait si Robin,” kuwento pa ng kuntentong asawa ng aktor.

“May selosan ba sa ibang mga anak ni Robin,” tanong ulit ni Ogie.

“You know, I’m not sure kasi matatanda na his other kids pero I know ibinigay niya rin lahat para sa kanila.

“Ang lagi pa ngang sinasabi ni Robin ang lugi are my two kids now because when they had Robin, he was in his prime, peak niya talaga, so ‘yung naibigay niya sa other children niya like a house in Australia where the kids run and be free hindi niya nabigay doon sa kids ko.

“But you know, we’re happy with what he is giving us, so hindi kami nagrereklamo. My kids are so happy. Walang kahit na anong selos bakit sila may ganito, ganu’n,” esplika ng happy wife ng aktor.

Ipinagdiinan ding walang dapat i-demand si Mariel dahil sinisiguro naman ng hubby niya na okay ang mag-iina niya.

“Aminin natin di baa ng mag-asawa pera lagi ang pinag-aawayan talaga.  Never kaming nag-away ni Robin about money. Never ever.

“Ang pera ko, pera ko. Tapos ‘yung pera niya, pera din niya, ha, ha.  Pero nagbibigay siya sa amin, you know what I mean.

“Up to this day hindi ko alam kung magkano ang endorsement niya, kunwari may endorsement siya.  May balato ba kami sa endorsement na ‘yan?  Never!  Hindi ako nagga-ganu’n and I think he respects that and he likes na ganu’n ‘yung set-up namin pero we have nothing to ask for,” pagbabahagi pa ni Mariel kung paano ang usapan nila pagdating sa kinikita ng aktor.

At dahil matagal nang wala sa limelight bilang celebrity si Mariel ay hindi niya ito pinagsisihan na mas pinili niyang maging maybahay ni Robin at ina ng dalawa nilang anak na sina Isabella at Gabriella na masayang pinagsisilbihan niya.

Pero hindi naman siya parasite dahil kumikita siya bilang vlogger, online seller, sabi nga niya, “Nagbebenta ako ng steak ang tag line ko nga, ‘sa umaga nagbebenta ako ng laman, sa gabi nagbebenta ako ng balat (leather bags) di ba? Ha-hahaha! I can do all of that in my house and I can watch my kids grow up.

“I’m there every time they fall, every time they cry, every time they wake up and that’s a blessing, that’s a gift and not everyone can do that,” aniya pa.

https://bandera.inquirer.net/308254/mariel-padilla-natupad-ang-pangarap-na-maging-live-seller-nagbabala-sa-mga-scammer

https://bandera.inquirer.net/291622/mariel-rodriguez-masaya-pa-rin-ba-bilang-asawa-ni-robin-padilla

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/289526/robin-umamin-kay-mariel-kung-kailan-huling-natukso-sa-babae-nagseselos-sa-steak-ng-asawa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending