Sey ni Cristy Fermin, Rabiya bumaklas na sa relasyon nila ni Jeric; hinamon din ang kampo ng aktor Bandera

Sey ni Cristy Fermin, Rabiya bumaklas na sa relasyon nila ni Jeric; hinamon din ang kampo ng aktor

Reggee Bonoan |June 21,2022
share this

Sey ni Cristy Fermin, Rabiya bumaklas na sa relasyon nila ni Jeric; hinamon din ang kampo ng aktor

Reggee Bonoan June 21, 2022 - 04:06 PM

Jeric Gonzales at Rabiya Mateo

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA ngayong araw tungkol sa naging reaksyon umano ni Rabiya Mateo sa viral “kissing photo” ng boyfriend niyang si Jeric Gonzales sa kapwa lalaki.

Base sa kuwento ni Nanay Cristy Fermin sa programa nila ni Romel Chika ngayong hapon na “Cristy Ferminute” sa Radyo5 92.3 News FM ay tuluyan na raw humiwalay si Rabiya kay Jeric.

“Wala na bumaklas na pala talaga itong si Rabiya Mateo!” bungad ni ‘Nay Cristy.

Tanong ni Romel, “So, final na ito ‘Nay? Baka bukas may post na naman silang magkasama, ha?”

“Yun nga, eh. Urong-sulong ito, laban-bawi. Sasabihin ni Rabiya wala na pero balikan na naman pala.

“Kami po ay hindi naghahangad ng pagkasira ng isang relasyon. Pero ang punto namin walang magiging matinong relasyon itong si Jeric Gonzales kung hindi niya ipagtatapat ang kuwento tungkol sa kanyang ginagawa,” sambit ng batikang manunulat, online host at vlogger.

“Opo dapat maging open na siya sa mga past relationship niya. Lahat ng ginawa niya noong hindi pa niya girlfriend si Rabiya,” say naman ni Romel.

Sundot ni Nanay Cristy, “At ginagawa pa rin hanggang ngayon.  Ang sabi ng kanyang kampo, sinisiraan lang daw si Jeric ng mga taong ayaw sa kanya. Puro raw po imbento ‘yung mga kuwento.”


Nabanggit din ni Nanay Cristy na gusto niya noon si Jeric at hindi niya ito sinisiraan pero kung gusto raw ng malinaw na usapan ay handang humarap ang manunulat.

“Nagpapakatotoo lang ako at tinatanggap ko ang inyong hamon na magharap-harap tayo. Yung businessman, ‘yung asawa ng businessman, siya (Jeric) at ako.

“Kung gusto talaga nila ng cards on the table, kung gusto nila ng malinaw na malinaw sa ugat ng kuwento ito, anytime sabihin ninyo lang kung saan at kailan darating ako walang problema sa akin iyon,” hamon nito sa kampo ni Jeric.

Dagdag pa, “Pag consistent ka kahit ano pa ang mangyari ke cross o direct examination ‘yan hindi tayo maliligaw pag consistent tayo.”

At napansin din ng manunulat ang latest post daw ni Rabiya, “Itong si Rabiya may post na humihingi siya ng paumanhin sa kanyang sarili dahil mayroon daw siyang ipinatikim sa kanyang sarili na hindi nararapat.

“Hindi ko alam kung ang tinutukoy niya ro’n ay ang pagtanggap niya kay Jeric Gonzales bilang karelasyon kungbaga she doesn’t deserve it daw parang ganu’n.

“E, wala naman talagang babaeng magkakagusto kapag nakarating sa iyo ang balita tungkol sa boyfriend mo,” aniya pa.

Komento naman ni Romel, “Maliban na lang kung past is past, okay na ‘yun. Pero kung hindi pa rin, iba na ‘yun.”

Nananatiling bukas ang BANDERA sa panig ni Jeric o ng kampo nito. Agad naming ilalathala ang anumang pahayag na manggagaling sa aktor.

Jeric nag-propose muna kay Rabiya bago nanligaw; love story nagsimula sa ‘Wish Ko Lang’

Rabiya ipinaglaban ang pag-ibig kay Jeric: Ang dami kong isinakripisyo, kapag nagmahal po talaga ako all-out

Jeric Gonzales feeling super lucky nang maging dyowa si Rabiya Mateo; may pinatunayan sa mga laiterang basher

 

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending