Martin del Rosario na-hotseat sa TBATS; Bea Binene nanloko ng tindera sa palengke | Bandera

Martin del Rosario na-hotseat sa TBATS; Bea Binene nanloko ng tindera sa palengke

Bandera |April 28,2019
facebook
share this

Martin del Rosario na-hotseat sa TBATS; Bea Binene nanloko ng tindera sa palengke

Bandera - April 28, 2019 - 12:30 AM

MARTIN DEL ROSARIO, BOOBAY AT TEKLA

SIGURADONG sasakit na naman ang inyong tummy sa mga pasabog na season ender ng The Boobay And Tekla Show ngayong gabi sa GMA 7.

Super laugh trip na naman ang mga pampa-good vibes na hatid ng fun-tastic duo nina Boobay at Tekla with a live performance ng kantang “Meron Akong Ano” ng yumaong Master Rapper na si Francis M.
Si Martin del Rosario naman ang uupo sa hot seat ng “Truth or Charot,” habang si Betong Sumaya ang guest host para sa nakakakaba at nakakatawang segment na ito.

Kung mali ang hula nina Boobay at Tekla sa sagot ng aktor, kailangan nilang maglaro ng “Dizzy Bat.”

Samantala, si Bea Binene ang makakasama nina Boobay at Tekla para mang-good time sa “Pranking in Tandem.”

Magpapanggap si Bea na isang TV host sa isang horror special ng gawa-gawang talk show. Kakuntsaba rin niya rito ang isang psychic na magpapataranta sa kanilang bibiktimahing market vendors.

Bibisita rin sina Boobay at Tekla sa isang palengke para maglaro ng trivia game na “The Dakma Quiz” kung saan magwawago ng special prize ang magwawagi, habang patuloy ang kanilang pang-aaliw sa studio audience sa kanilang “Dear Boobay and Tekla” segment.

Samantala, kaabang-abang din ang simula ng season 2 dahil ang award-winning actress na si Glaiza de Castro ang buena manong makikipagkulitan sa The Boobay And Tekla Show.

Lahat ‘yan at iba pang sorpresa sa pagpapatuloy ng walang patumanggang laugh trip kasama ang fun-tastic duo ng bayan! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA 7 lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending