Jeric Raval, Alyssa Alvarez nag-react sa isyung buntis ang anak na si AJ Bandera

Jeric Raval, Alyssa Alvarez nag-react sa isyung buntis ang anak na si AJ

Therese Arceo |July 22,2022
share this

Jeric Raval, Alyssa Alvarez nag-react sa isyung buntis ang anak na si AJ

Therese Arceo July 22, 2022 - 01:32 PM

Jeric Raval, Alyssa Alvarez nag-react sa isyung buntis ang anak na si AJ

HINDI mapigilan ng mga magulang ni AJ Raval na sina Jeric Raval at Alyssa Valdez ukol sa isyung buntis raw ang kanilang anak.

Nauna nang itanggi ng sexy star ang balitang ipinagbubuntis niya ang panganay nila ng aktor na si Aljur Abrenica ngunit buhay na buhay pa rin ang tsismis.

Nitong Huwebes, July 21 ay nag-guest ang ama niyang si Jeric Raval sa “Lunch Out Loud” bilang celebrity player sa segment nitong “Pera Usog”.

Dito ay natanong siya ni Matteo Guidicelli ukol sa kanyang anak.

“Well, gaya noong bago-bago akong nag-aartista, pag ganoong mga intriga, pasok lang dito, labas doon,” saad ni Jeric sabay turo sa kanyang tenga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)

Dagdag pa niya, “Kasi kasama ‘yan sa pag-aartista. Sa showbiz, kasama ‘yan. Kung hindi ka handa diyan, hindi para sa ‘yo itong trabaho na ‘to.”

Mukha namang sanay na sa kalakaran ng showbiz at pang-iintriga si Jeric kaya deadma na lang ito sa mga kumakalat na chika ukol kay AJ.

Tila hindi rin ito apektado sa mga sinasabi ukol sa pagbubuntis nito sa anak nila ni Aljur.

Samantala, mukha namang may koneksyon ang cryptic post ng ina ni AJ na si Alyssa Alvarez sa Facebook.

“Mabuhay po tayo ng mapayapa na walang pakialam sa buhay ng iba,” sey ng ina ng aktres.

Mukha namang under observation siya ngayon sa mga “Marites” dahil nasa popular now ito at marahil dahil na ron sa isyu ng pagbubuntis ng anak nila ni Jeric.

Saad pa niya, “Linisin ko muna itong FB ko, mukhang bibisitahin na naman ng mga Marites, palit dp. Kelangan maganda ako.

“Tapos Iinglisin ko na mga post ko. Wait nga. Open ko na rin ang messenger ko para maaway n’yo ko kase baka di naman makatulog mga taong ‘to.”

Nauna nang pabulaanan ni AJ ang balitang buntis siya nitong July 20 bagkus ay nagpositibo siya sa sakit na COVID-19.

Nagmula kasi ang balitang buntis siya nang ihayag ito ng kolumnistang si Cristy Fermin sa digital show nitong “Showbiz Now Na” at ang ama raw ng dinadala nito ay ang rumored boyfriend na si Aljur Abrenica.

Related Chika:
Jeric Raval sa panliligaw ni Aljur kay AJ: Walang magulang na gusto ang anak niya ay parang kabit

AJ Raval kumpirmadong buntis, si Aljur Abrenica nga ba ang ama?

AJ Raval pinanindigan na hindi siya nabuntis ni Aljur, pero umaming tinamaan ng COVID-19

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending