Jeric Raval ibinuking ang anak, ka-live in na si Aljur Abrenica

Jeric Raval ibinuking ang anak, ka-live in na si Aljur Abrenica

Reggee Bonoan |February 24,2024
facebook
share this

Jeric Raval ibinuking ang anak, ka-live in na si Aljur Abrenica

Reggee Bonoan - February 24, 2024 - 03:07 PM

Jeric Raval binuking ang anak, ka-live in na si Aljur Abrenica

SA kuwentuhan nina Jeric Raval at content creator at DZRH host na si Morly Alinio ay nasambit ng aktor na nagsasama na ang anak niyang si AJ Raval at boyfriend nitong si Aljur Abrenica.

“Magkasama sila ngayon,” kaswal na sabi ni Jeric.

Tanong pa ni Morly a balitang on the rocks ngayon sina Aljur at AJ dahil balitang gustong makipagbalikan ni Kylie Padilla sa ama ng mga anak.

“Hindi naman. Lagi silang magkasama araw-araw. Pag uuwi ng Pampanga ‘yung isa nasa Pampanga rin ‘yung isa. Kung saan nauwi ‘yung isa nandoon din ‘yung isa, hindi naman sila naghihiwalay, eh,” diretsong sabi ng ama ni AJ.

Sa vlog ni Morly na in-upload sa YouTube channel nito kagabi ay natanong nito si Jeric tungkol kay AJ dahil tila nawawala sa limelight o walang pelikulang ginagawa ngayon sa Viva Films.

“Parang gusto muna niya kasing magpahinga,” sagot agad ni Jeric.

Dagdag pa, “ano kasi ‘yung batang ‘yun, e, ayaw niya ng naba=bash siya. Meron siyang ganu’n factor pagka napupulaan siya nagkakaroon siya ng lack of interest sa lahat ng bagay.”

Hindi na babalik si AJ sa pag-aartista?

Baka Bet Mo: Jeric Raval may tatlong bilin kay Aljur Abrenica matapos ang pakikipagrelasyon kay AJ Raval: Pakasalan mo ang anak ko

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Babalik pa naman ‘yan magpapahinga lang siguro,” saad ng ama ng aktres.

Inamin din ni Jeric na nanghinayang siya sa anak dahil nakilala na pero biglang nawala.

“Siyempre nanghinayang ako kasi sayang naman nandiyan ka na, anyway ilang buwan palang naman siyang namamahinga, “ katwiran ni Jeric.

Samantala, tinanong ni Morly si Jeric ng diretso kung buntis ngayon si AJ kaya siya nagpapahinga? Puwede itong sagutin o hindi ng aktor.

Natawa muna ang ama ng dalaga, “tuwing nagbabakayon ‘yan (nababalitang) buntis, eh sabi nila. Natatawa na lang ako, papasok dito (isang tenga) lalaban diyan.”

Klinaro rin ni Jeric ang isyung may anak na si AJ o may apo na siya sa anak.

“Ganito ‘yan, ‘yung pinaka-panganay namin ‘yung ate nya, umalis kasi ‘yun. ‘Yung mga apo-apo minsan nandoon sa kanila daming mga bata na napagkakamalang anak kasa-kasama sa picture taking may mga bata kaya (nasasabing) may anak na o kaya nanganak na,” kuwento ni Jeric.

Kumusta ang relasyon nila ni Aljur na boyfriend ngayon ni AJ.

“Okay naman kami, wala akong problema kay Aljur,” kaswal na sagot ng aktor.

‘Napag-uusapan na ba nina Aljur at AJ ang kasal’ tanong ni Morly kay Jeric.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Napag-usapan na namin ‘yan sinabi ko lang naman (kay Aljur) ayusin mo muna ‘yang problema mo diyan. Ako naman ang hinahanap ko pakasalan moa ng anak ko ‘yun lang. Pag naayos niya ‘yung problema niya (Aljur).

“Anyway, sila naman lagi nag-uusap diyan. Ang anak ko kasi 23 na matanda na siya at alam na niya ‘yung mga dapat gawin. Ako naman, e, magulang naman ako nandiyan lang ako. Sabi ko nga ‘hindi naman sa nakikialam ako anak, magulang nga lang ako pero alam ko kung ano ang maa nakabubuti sa ‘yo. Sabi ko, kaya mon a ‘yan (basta) maging legal lang,” kuwento ni Jeric.

Nabanggit din ni Jeric na kung saan masaya ang anak ay masaya na rin siya at pag malungkot ang dalaga ay malungkot din siya bilang ama.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending