Aljur gustong makilatis ang bagong dyowa ni Kylie: 'Hindi ko siya kilala, yun ang wino-worry ko ngayon' | Bandera

Aljur gustong makilatis ang bagong dyowa ni Kylie: ‘Hindi ko siya kilala, yun ang wino-worry ko ngayon’

Ervin Santiago |March 02,2023
facebook
share this

Aljur gustong makilatis ang bagong dyowa ni Kylie: ‘Hindi ko siya kilala, yun ang wino-worry ko ngayon’

Ervin Santiago - March 02, 2023 - 07:23 AM

Aljur gustong makilala ang bagong dyowa ni Kylie: 'Hindi ko siya kilala, yun ang wino-worry ko ngayon'

Kylie Padilla, Aljur Abrenica at AJ Raval

“NEVER naman kaming maghihiwalay dahil may mga anak kami!” Yan ang siniguro ni Aljur Abrenica sa estado ng relasyon nila ng kanyang estranged wife na si Kylie Padilla.

Ayon sa hunk actor, maayos na ang co-parenting arrangement nila ni Kylie at regular din silang nakakapag-usap patungkol sa pagpapalaki at pag-aalaga sa kanilang dalawang anak.

“Ito ang gusto ko sa samahan namin. For example, mayroong scenario na di ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga bata, siya ang tatawagan ko.

“Siya rin kapag may scenario, may nangyari sa mga bata, ako ang tatawagan niya. There’s always a father-and-mother thing,” ang pahayag ni Aljur.

Nakachikahan namin at ng ilang members ng showbiz press si Aljur sa launching ng Gutierrez Celebrity and Media Production, sa SM North EDSA Skydome nitong nagdaang February 28.

Pagpapatuloy ng parter ng sexy actress na si AJ Raval, “Saka never naman kaming maghihiwalay dahil may mga anak kami. That’s the reality. Magkikita at magkikita kami lagi. Nag-uusap kami para sa mga bata.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)


Saludo rin daw si Aljur kay Kylie bilang isang ina, “Magaling na nanay yun, maalaga na nanay, responsableng nanay. Si Kylie very attached to her emotions when it comes to the kids.

“Ako, lagi kaming outdoor, adventure. When it comes to emotions, siya nagpupuno nu’n,” sabi pa ng aktor na bibida sa isang proyekto na gagawin ng Gutierrez Celebrity and Media Production para sa ALLTV Channel 2 kung saan makakasama niya si Ritz Azul.

Samantala, kung mabibigyan ng chance, nais ni Aljur na makilala at makausap nang personal ang nababalitang boyfriend ni Kylie Padilla na sinasabing isang tattoo artist.

“On that part, gusto ko talagang malaman kung sino siya, what he’s doing sa personal na buhay niya.

“Siyempre, hindi naman puwede na makasama siya na di ko siya kilala. Hindi ko alam kung ano ang trabaho niya, kung ano ang pinaggagawa niya.

“Hindi ko siya kilala. On that part, I’m trying na magtanong kung sino yan. Hindi ko siya kilala, yun ang wino-worry ko ngayon.”

“Basta sa akin, hindi siya okay, sa totoo lang. On my part, kilala nila si AJ. Ito, di ko siya kilala. Sasabihin ko na, hindi ako okay du’n,” sabi pa ni Aljur na ang tinutukoy na AJ ay ang girlfriend nga niyang si AJ Raval.

Aktres isinusuka na ng mga katrabaho; reklamador na, demanding at feeling reyna pa

Mag-asawang kilala sa showbiz madalas nang mag-away, hindi na nagsasama sa isang kuwarto

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mega kay VP Leni: Sana bumalik iyong kilala kong Pinas…yung mga kababayan kong marunong makisama at rumespeto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending