Mega kay VP Leni: Sana bumalik iyong kilala kong Pinas...yung mga kababayan kong marunong makisama at rumespeto | Bandera

Mega kay VP Leni: Sana bumalik iyong kilala kong Pinas…yung mga kababayan kong marunong makisama at rumespeto

Ervin Santiago - December 05, 2021 - 12:20 PM

Leni Robredo at Sharon Cuneta

MAY isang hiling si Megastar Sharon Cuneta sakaling si Vice President Leni Robredo ang maihalal na pangulo ng Pilipinas sa 2022.

Ipagdarasal daw niya na sana’y maibalik ang dating Pilipinas kung saan ang mga Filipino ay kilala bilang mga disente, makabayan at marespeto sa kanilang kapwa. May patama pa nga si Mega sa mga taong walang galang sa Diyos.

Sa isang YouTube vlog nakachikahan ni Sharon si VP Leni at napag-usapan nga nila ang tungkol sa kinabukasan ng bansa lalo na’t nalalapit na ang May, 2022 national elections.

Sey ni Mega kay VP Leni na isa sa mga kumakanditatong presidente, “I see in you, if I may be so bold, some hope in regaining some things we may have lost along the way for one reason or another. I don’t want to put this on one person or one party or one administration.”

“I just want na ano po, mabalik iyong kilala kong Pilipinas, ‘iyong mga kababayan ko na marunong makisama, marunong rumespeto, marunong magmahal sa isa’t isa, marunong makipagdamayan. You represent such good values,” bahagi ng pahayag ni Sharon.

Ang mister ng aktres na si Sen. Kiko Pangilinan ang running-mate ni VP Leni sa gaganaping eleksyon next year. Parehong pinatututsadahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magka-tandem sa kanyang mga speech.

Pahayag pa ni Mega na tila may pinatatamaan, “You know, whoever curses at God is an abomination, I think Bro. Eddie Villanueva said that. When you lead a nation and it’s the people that suffer because you have displeased Him in a way, it’s very painful.”

Napag-usapan din ni Mega at ng bise-presidente ang tungkol sa pagpapakalat ng online disinformation at hate comments sa social media ngayong malapit na ang halalan.

Sabi nga ni VP Leni ilang beses na raw siyang tinawag na “bobo” ng mga bashers kasabay ng pagpapakalat ng mga edited videos na puro paninira sa kanya.

“Ang problema ng social media ngayon, iyong mga sumusulat kasi, kahit sino, puwede…okay sana iyong access na kahit sino may pagkakataon.

“Pero ‘yong problema noon, puwede ka mag-post kahit anonymous tapos walang accountability. Kaya kahit propaganda, disinformation, pinaniniwalaan ng tao,” pahayag ni Leni.

Aniya pa, “Siguro hindi lang namin nako-communicate. Saka sa akin, ‘yon ang pinakahurtful na criticism, ‘yong walang ginawa kasi hindi na lang ako ‘yon. Parang insult siya sa lahat ng, buong office.

“Pero ang problema kasi, halimbawa sa Facebook, siyempre iyong Facebook works on algorithms, ‘di ba? Iyong distribution channels ang daming roadblocks, ‘yon ang mahirap ngayon,” sabi pa niya.

Pagsang-ayon naman ni Mega, “Ang hirap, hindi po ma-control ‘yong pag-disperse ng information kahit mali-mali o nakakasakit.” 

Pahabol pa ni VP Leni, “Ako, honestly kahit binabasa ko, natatawa lang ako. Ang sinasabi ko na lang, luging-lugi kayo sa akin kasi I don’t lose sleep over it.

“May hindi rin maganda. Hindi kami natutong sabayan siya ng katotohanan. Dapat sana iyon ang ginawa namin, ngayon tuloy, ang dami nilang kasinungalingan na sinasabi na pinaniwalaan ng tao,” dagdag pa niya.

View this post on Instagram

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)


Hirit naman ng misis ni Sen. Kiko, “I think there’s nothing wrong with wanting to reclaim, regain what we grew up knowing — iyong hindi na sa gobyerno, iyong sa kapwa Pilipino natin, iyong decency, iyong respect for one another.

“Ang hirap, hindi po ma-control ‘yong pag-disperse ng information kahit mali-mali o nakakasakit,” chika pa ng movie icon.

“I miss seeing that in our society at present. And I don’t think it’s just social media’s fault. I think that when it’s encouraged, even to take a step further, some people would pay, some people would hire trolls.

“You know because they’re fake accounts when there’s zero followers, zero posts,” lahad pa ni Sharon.

Hirit pa no Robredo, “Iyon ang talagang nakakalungkot kasi parang may mga tao na to push for their agenda, parang willing sila na mag-away-away ang mga tao.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/294838/vp-leni-robredo-kakandidatong-pangulo-ng-bansa-buong-buo-ang-loob-ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending