Chito muling pinuri ang asawa: Napakaganda ni Neri, medyo weird, pero sobrang bait! Bandera

Chito muling pinuri ang asawa: Napakaganda ni Neri, medyo weird, pero sobrang bait!

Ervin Santiago |August 08,2021
share this

Chito muling pinuri ang asawa: Napakaganda ni Neri, medyo weird, pero sobrang bait!

Ervin Santiago - August 08, 2021 - 08:53 AM

Chito Miranda at Neri Naig

TALAGANG hindi tatantanan ng OPM icon at Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda ang kanyang asawang si Neri Naig.

Sabi nga ng kanilang mga tagasuporta ng celebrity couple, napakaswerte ni Neri kay Chito dahil bukod sa responsableng ama ay napakabuti at napaka-sweet  pa nitong husband.

Ilan lang daw kasi ang tulad ng singer-composer na very open at hindi nahihiyang ipagsigawan sa buong universe ang pagmamahal at paghanga sa kanyang wifey.

Talagang hindi niya nakakalimutang ibandera sa madlang pipol sa pamamagitan ng social media kung gaano siya kaswerte kay Neri.

Nitong lamang nakaraang araw, muli siyang sumulat ng appreciation post para sa aktres kung saan inisa-isa niya ang  mga katangian ni Neri na gustung-gusto niya.

“Sobrang ganda ni Neri…medyo weird, pero sobrang bait!

“Alam ko na…magpapa-cute ako sa kanya, tapos liligawan ko sya, tapos magpapakasal kami, tapos gagawa kami ng pamilya…

“Ayun…tinotoo ko,” ani Chito.

Kasunod nito, pinaalalahanan din niya ang mga kabataan na huwag isusuko ang kanilang mga pangarap at patuloy lang lumaban sa buhay kahit na mahirap.

“Kaya kids, wag kayong matakot mangarap kasi dreams do come true. Focus on your goals, and channel all your energy into achieving them,” payo ni Chito.

“For Neri naman, ang huling pinangarap n’ya siguro sa mundo ay magpakasal sa payat na bokalista na mukhang tambay. 

“Pero look at her now… mukhang masaya naman s’ya sa buhay n’ya. ‘Wag ka din matakot lumihis sa mga plano mo sa buhay. 

“You also need to be flexible… kasi minsan, nasa ibang direction pala ‘yung dapat mong puntahan.

“Sorry…napa-senti lang ako kasi gising na ko tapos tulog pa sila. Good morning,” aniya pa.

Meanwhile, celebrity friends of the couple reacted to the sweet and funny post of Chito including Candy Pangilinan and Patrick Garcia’s wife, Nikka.

Noong nakaraang Mother’s Day, ibinalita ng mag-asawa na magkakaroon na sila uli ng baby at magiging kuya na ang panganay nilang si Alfonso.

Dalawang beses ikinasal sina Chito noong 2014. Una ang kanilang civil wedding noong Dec. 13 sa Vask restaurant sa Taguig City at sumunod ang grand garden wedding sa Tagaytay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending