Chito umaming sumablay sa concert ng Parokya ni Edgar sa L.A.: ‘Pangako, mas gagalingan namin next time at babawi kami’
NAGPAKATOTOO ang OPM icon na si Chito Miranda sa pagbabahagi ng naging experience niya sa concert ng Parokya ni Edgar kamakalawa ng gabi sa Los Angeles, California.
Inamin ng veteran singer-songwriter na marami siyang sablay sa kanilang naging performance at talagang nasabi niyang “struggle is real” sa kabuuan ng concert.
Nag-post si Chito sa Instagram ng litrato kung saan makikita ang halos kabuuan ng venue kung saan sila nag-perform. At dito nga niya ikinuwento ang ilang kaganapan sa kanilang out-of-the country show.
“Minsan, may mga gigs talaga kami na kung saan lahat ng pwedeng mangyari na mali, nangyayari.
“Tulad ng gig namin kagabi (March 19) sa LA. Kagabi kasi, simula pa lang, alam ko na that something was off,” ang simulang pagbabahagi ni Chito.
View this post on Instagram
Pagpapatuloy pa ng husband ni Neri Miranda, “Habang nakatambay kami sa dressing room, sabi ko kay Vinch, ‘something’s weird…hindi ako kinakabahan.’
“Normally kasi kinakabahan na ko ng todo bago suamalang eh.
“Nu’ng sa SF gig kasi nu’ng Friday, sobra yung kaba ko, and I embrace the stress and tension, kasi it makes me focus on what I need to do, and kinda puts me in the zone…yung tamang di na ko mapakali.
“And our gig sa SF was perfect. (Salamat SF…sobrang enjoy talaga!!!),” kuwento pa ng OPM artist.
Baka Bet Mo: Brenda Mage natupad na ang pangako sa ama; nakapagpatayo ng bahay para sa pamilya damay pati 2 kapatid at lola
Kasunod nito, diretsahan nga niyang inamin na nawala siya sa focus, “And I was struggling the whole set. Dami ko nakalimutan na lyrics. Dami naming sabit ni Dindin.
View this post on Instagram
“Tapos ayaw gumana ng mga gitara (pero nu’ng tinesting namin kanina, gumagana naman), nawawala-wala din yung mic ko kagabi…basta lahat sablay.
“Mabuti nalang talaga sobrang bait ng mga taga-LA, at never nila pinaramdam sa amin kahit konti yung mga kakulangan namin bilang performers kahit kalat kalat kami kagabi,” pahayag pa niya.
“You still made us feel as if sobrang saya nyo na nanonood kayo ng show namin. For that, we thank you…sobra.
“Maraming maraming salamat talaga. Pangako, mas gagalingan namin next time, at babawi kami,” ang pangako ni Chito sa lahat ng kanilang supporters na nasa Amerila na nanood sa kanilang concert.
Pia Wurtzbach napa-throwback sa ‘babawi tayo’ tweet, kinikilig pa rin sa suporta ng fans
Aiko napaiyak sa pangako ni Ogie Diaz para kina Andre at Marthena
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.