Brenda Mage natupad na ang pangako sa ama; nakapagpatayo ng bahay para sa pamilya damay pati 2 kapatid at lola | Bandera

Brenda Mage natupad na ang pangako sa ama; nakapagpatayo ng bahay para sa pamilya damay pati 2 kapatid at lola

Ervin Santiago |December 15,2022
facebook
share this

Brenda Mage natupad na ang pangako sa ama; nakapagpatayo ng bahay para sa pamilya damay pati 2 kapatid at lola

Ervin Santiago - December 15, 2022 - 08:26 AM

Brenda Mage natupad na ang pangako sa ama; nakapagpatayo ng bahay para sa pamilya damay pati 2 kapatid at lola

Brenda Mage

SA WAKAS, natupad na rin ng Kapamilya comedian na si Brenda Mage ang pangako niya sa kanyang tatay na makapagpatayo ng sarili nilang bahay.

Very proud na ibinandera ng komedyante sa madlang pipol ang naipundar at naipatayo niyang bagong bahay para sa sarili at ng kanyang pamilya.

In fairness, hindi lang sariling bahay kundi ipinagawa na rin ng vlogger at stand-up comedian ang tirahan ng kanyang lola, ate at isa pang kapatid na lalaki.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook at Instagram account, ibinahagi nga ni Brenda kahapon, December 14, ang isa na namang bonggang achievement sa buhay at showbiz career.

Aniya sa caption ng ipinost niyang mga litrato ng mga naipatayo niyang bahay para sa pamilya, “March 2022 nung inumpisahan ang bahay ko.

Wala sa plano nadamay ang balay ng lola ko syempre nakisali din ang ate ko ayun nakisali din ang kapatid kong lalaki… o ayun na nga wala sa plano pero pinagkaloob ni Lord,” ang bahagi pa ng mensahe ni Brenda.

Nag-thank you rin siya sa kanyang fans at mga tagasuporta dahil utang na loob daw niya sa mga ito ang naipundar na mga properties.

“Salamat po sa inyong walang sawang pag suporta bawat haligi ng bahay namin hindi maitatayo kung wala ang suporta nyo sa panonood ng mga videos ko,” pahayag ni Brenda Mage.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Brenda Mage (@iambrendamage)


Dugtong pa niya, “Wag mong hayaan na ang iyong pangarap ay manatiling pangarap. Tagumpay ang plano.”

Last August 14, ibinahagi ni Brenda ang iba pa niyang planong gawin sa kanilang malaking lote sa probinsya.

“Next project Basketball and Volleyball court para naman sa mga kapitbahay at kamag-anak ko na mahilig sa sports na alam kong gusto talaga nila dahil ako mismo during my childhood player din ako ng Basketball,” sey ng komedyante.

Unang nakilala si Brenda Mage nang mag-join siya sa segment ng “It’s Showtime” na “Miss Q&A” noong 2018. Mas lalo pa siyang sumikat nang magsimula na siyang mag-vlog at maging housemate sa “PBB Season 10 Celebrity Edition.”

Brenda Mage nagpaalam na sa showbiz, babalik na sa Misamis Oriental; may 1 wish na hindi natupad

Ano ang pinakamahal na regalo na ibinigay ni Brenda sa kanyang dyowa?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pagkatalo ni Brenda Mage sa ‘PBB 10’ ikinatuwa ng netizens: Yan ang tinatawag na karma!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending