Brenda Mage nagpaalam na sa showbiz, babalik na sa Misamis Oriental; may 1 wish na hindi natupad | Bandera

Brenda Mage nagpaalam na sa showbiz, babalik na sa Misamis Oriental; may 1 wish na hindi natupad

Reggee Bonoan |March 21,2022
facebook
share this

Brenda Mage nagpaalam na sa showbiz, babalik na sa Misamis Oriental; may 1 wish na hindi natupad

Reggee Bonoan - March 21, 2022 - 08:35 PM

Brenda Mage iniwan na ang showbiz, babalik na sa probinsya

Brenda Mage

PAGKALIPAS ng 15 taong paninirahan sa Manila ay babalik na sa Misamis Oriental ang komedyante, social media influencer at dating “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10” celebrity housemate na si Brenda Mage.

Nag-post si Brenda Mage ng larawan niyang nasa airport nitong Linggo at sinabing babu muna siya sa mundo ng showbiz.

Ang caption niya ay, “Bye for now Manila … after 15years of staying here since 2007, I was only 17yo starting to pursue my Dreams to become a Celebrity haha …. Makakauwi na ko ng Probinsya maybe not for Good pero matatagalan talaga.”

Ang dahilan niya ay gusto niyang makasama ang pamilya niya, “Nakapag ipon na rin kahit papano Time to focus for my family and future naks hahaha…. Goodbye Showbiz muna mejo natupad na rin lahat ng Pangarap ko sa Showbiz Industry.”

At saka niya inisa-isa ang mga programang nagawa niya tulad ng teleseryeng “Ang Sa Iyo Ay Akin” with Jodi Sta. Maria na ipinalabas noong 2021, ang iWantTFC series na “Single Lady” pati na ang mga pelikulang “Huwag Kang Lalabas” (2021), “Bar Boys” (2014) at iba pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Brenda Mage (@iambrendamage)


Inilagay din nito ang mga programang naging guest siya tulad ng “ASAP,” “MMK,” “Its Showtime,” “PBB,” ang interview niya kina Charo Santos, Boy Abunda, Toni Gonzaga at iba pa.

May isang pangarap lang daw siyang hindi natupad, “Yung makaharap si Ms. Kris Aquino ‘yun lang ata ang pangarap ko na hindi natupad. Waaah.”

Nataon na rin kasing nag-lie low na sa telebisyon ang tinaguriang Queen of Media dahil sa hindi magandang lagay ng kalusugan nito.

Nabanggit din ng komedyante na masaya siya sa mga kaibigan niyang natupad ang mga pangarap at siya naman ay magsisimulang tuparin ito ngayong pag-uwi niya kapiling ang pamilya.

“Yung pangarap ko na mga Friends ko would have their Own Happy life too may Bahay na rin sila at yung iba na-renovate na rin nila.

“AKO NAMAN at di mangyayari yan kung hindi dahil sa Tulong ng mga Viewers namin. Goodbye City life… Back to Province life.

“Thank you for all the Memories and to all my Friends kayo nalang punta sa amin pag nakaluwag-luwag sagot ko na charot. To all my Supporters I’m hoping for your continues support hehe kahit nasa Probinsya na po ako.

“Thank you po Lord for giving me the Chance to make my Dream into Reality. Tapos na ang aking pansariling Pangarap balik na sa Simpleng Buhay.  NOTHING IS IMPOSSIBLE IF YOU BELIEVE IN YOURSELF AND TRUST GOD.

“This is Brenda Mage sayin ‘Wag mong hayaan ang iyong Pangarap ay Manatiling Pangarap’ back to Bryan Roy Tagarao (tunay niyang pangalan).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“PS: Bitbit ko dati karton at Kulambo…ngayon naka-Dior (fake din naman) na pero anjan pa rin ang Kulambo ha ha at naka-Airplane na ko dati Barko he he.”

Ano ang pinakamahal na regalo na ibinigay ni Brenda sa kanyang dyowa?

Pagkatalo ni Brenda Mage sa ‘PBB 10’ ikinatuwa ng netizens: Yan ang tinatawag na karma!

Julia, Coco muling magtatambal sa pelikula; magsu-shooting na sa Oriental Mindoro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending