Andrea Brillantes nanlibre ng pizza, sobrang saya nang mapansin ni BlackPink Rose | Bandera

Andrea Brillantes nanlibre ng pizza, sobrang saya nang mapansin ni BlackPink Rose

Therese Arceo |August 09,2023
facebook
share this

Andrea Brillantes nanlibre ng pizza, sobrang saya nang mapansin ni BlackPink Rose

Therese Arceo - August 09, 2023 - 09:23 PM

Andrea Brillantes nanlibre ng pizza, sobrang saya nang mapansin ni BlackPink Rose

SUPER saya ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes matapos siyang mapansing muli ng isa sa miyembro ng BlackPink na si Rose.

Matatandaang kahapon, August 8, nag-live sa Instagram si Rose at isa nga ang Kapamilya star sa mga nanonood. Sa kalagitnaan ng live ay tinanong ni Rose ang followers niya kung anong favorite memory ng mga ito bilang blinks.

“My fav memory was when you noticed me for my Promposal hahaha,” saad ni Andrea.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay napansin ni Rose ang kanyang comment at sinabing naaalala niya ito.

Dito ay ibinalita ni Andrea na hiwalay na sila na ikinaloka ni Rose.

“No, I’ll pretend I didn’t see that,” sey niya at nagpatuloy sa pagbabasa ng mga comments ng iba pang Blinks.

Pagpapalubag loob ni Andrea sa iniidolo, “It’s omay Rose!!! I’m happy now!!!”

Dagdag pa niya, “It’s okay because you girls still noticed me and I love you all so much!”

Baka Bet Mo: Andrea muling nagetsing ang atensiyon ni BLACKPINK Rosé, ipinaalala ang promposal kay Ricci sabay hirit ng, ‘WE BROKE UP NOW!’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Kaya naman sa sobrang happy ni Andrea ay nanlibre ito ng napakaraming boxes ng pizza sa kanyang mga kasama sa taping.

Ibinahagi niya ito sa kanyang Instagram story.

“Super saya ko nagpalibre ako sa taping! HAHA,” sey ni Andrea.

Kalakip ng kanyang larawan ay ang kanta ng BlackPink na “The Happiest Girl”.

“We love you Rose hahaha,” sa isa pa niyang post habang hawak ang kahon kahong pizza.

June 27 nang aminin ni Ricci na hiwalay na sila ni Andrea sa pamamagitan ng isang tweet matapos siyang kuwestiyunin ng mga netizens dahil spotted siyang kasama ang beauty queen na si Leren Bautista.

Itinanggi naman niya na may namamagitan sa kanila ng dalaga at hindi rin ito ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Samantala, sinabi naman ni Andrea na sa kabila ng kanyang labis na pagmamahal sa basketbolista ay masaya na siya at naka-move on na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Andrea Brillantes natagalan daw ang ‘kadugyutan’ ni Ricci dahil sa kanyang ‘congenital anosmia’, netizens naghalungkat ng ‘ebidensya’

Andrea aminadong ‘baklang’ magmahal, milyones ang nairegalo kay Ricci…pati mga gamit sa condo sa kanya nanggaling

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending