#GoBlinks: Pinoy celebs na nagpaka-‘fangirl’ sa Blackpink concert | Bandera

#GoBlinks: Pinoy celebs na nagpaka-‘fangirl’ sa Blackpink concert

Pauline del Rosario |March 27,2023
facebook
share this

#GoBlinks: Pinoy celebs na nagpaka-‘fangirl’ sa Blackpink concert

Pauline del Rosario - March 27, 2023 - 04:12 PM

#GoBlinks: Pinoy celebs na nagpaka-‘fangirl’ sa Blackpink concert

NATAPOS na ang concert ng K-Pop girl group na Blackpink dito sa ating bansa, pero mukhang matindi pa rin ang hang-over ng maraming fans o ‘yung tinatawag na “Blinks.”

Kagaya nalang ng ilang celebrities at personalities natin na lalo pang humanga at bumilib sa galing ng K-Pop group.

Team Kramer

Spotted ang magkapatid na sina Kendra at Scarlett Kramer sa concert kasama ang kanilang ama na si Doug.

Ngunit, mukhang mas nag-enjoy pa si Doug sa pagtatanghal ng Blackpink.

Caption ng dating basketball star sa isang Facebook post, “I came as a bodyguard, I came out entertained! [laughing face emoji] Wow! Blackpink are truly world class performers! Blink na ako! [laughing face emoji].”

Biro pa niya sa misis na si Cheska, “Btw, my bias is Rose! Jk Francesca Kramer! [laughing face emoji].”

Mimiyuuuh

Ibinandera ng social media star na si Mimiyuuuh ang kanyang pagiging die hard fan sa Instagram.

Bukod sa pictures, ibinahagi pa niya ang ilang video na kung saan ay sumasabay pa sa fan chant para sa K-Pop girl group.

Super thankful din si Mimiyuuuh sa naging experience at dahil daw dito ay buo na raw ang kanyang 2023.

“SOBRANG SAYA KO NITONG ARAW NA ‘TO! MAHAL NA MAHAL NAMIN KAYO @blackpinkofficial! thank you for making my year already [heart emojis],” caption niya.

Aniya pa, “This was my first concert of the year.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by mimiyuuuh 🦖 (@mimiyuuuh)

Prats family

Present din ang pamilya ni Isabel Oli sa nasabing concert sa Philippine Arena.

Ayon pa sa kanyang Instagram post, naging espesyal ang bonding nila ng mister na si John Prats at anak na si Lily Feather.

“We laughed, sang, and enjoyed every bit of it [mic emoji] – such a special bonding experience that I’ll forever cherish,” saad sa Ig post ng aktres.

Dagdag niya, “From laughter, music, and joy-filled memories, #Parenting never looked so good.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝐈𝐬𝐚𝐛𝐞𝐥 𝐎𝐥𝐢-𝐏𝐫𝐚𝐭𝐬 蘇 心 心🧸 (@isabeloliprats)

Andrea Brillantes

Pasabog naman ang naging ganap ng aktres na si Andrea Brillantes matapos mapansin mismo ng Blackpink sa concert.

Natulungan pa kasi siya ng grupo na yayaing maging escort niya ang boyfriend na si Ricci Rivero sa darating na “Star Magical Prom.”

Base sa mga napanood namin sa social media, nakita nina Rosé, Jennie, Lisa at Jisoo ang hawak na “promposal” placard ni Andrea na nasa harapan ng stage.

Baka bet Mo: Blackpink tinulungan si Andrea Brillantes sa paandar na ‘promposal’ kay Ricci Rivero: ‘He said YES!’

Agad namang binasa nina Rosé at Lisa ang nakasulat sa placard na, “I just wanna ask Ricci Rivero, will you go to prom with Andrea?”

Kasunod nito, hinanap nga ng grupo sa crowd ang boyfriend ni Andrea at nang magpakita nga si Ricci, sinabihan siya ni Rosé ng “Please go to prom with that girl.”

Napa-yes naman agad si Ricci at sabay-sabay na in-announce ng Blackpink on stage, “He (Ricci) said yes!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by J🌻🇵🇭 (@justinndhann)

Kakai Bautista

Tila naging speechless ang comedienne-actress na si Kakai Bautista sa naging pagtatanghal ng Blackpink sa Pilipinas.

Para sa kanya, sobrang ganda daw ng naging concert at worth it ang kanyang pagpila.

“Can’t describe how visually and musically extravagant the concert was!!!!!!!! NYEMAS. Ang gandaaaaaaa [red heart emoji],” sey sa IG post ng komedyante.

Lahad pa niya, “Worth all the pagod and the maagang pagpila. Thank you @blackpinkofficial @lalalalisa_m @jennierubyjane @roses_are_rosie @sooyaaa__ for gracing the Philippines with your supremacy!! [hesart emoji] WE LOVE YOUUUUUUUUUUU!!!!!!!! [crying face emoji].”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝑲𝒂𝒌𝒂𝒊 𝑩𝒂𝒖𝒕𝒊𝒔𝒕𝒂 (@ilovekaye)

Sanya Lopez

Naging super happy din ang aktres na si Sanya Lopez at makikita sa kanyang social media post na nakasama niya sa concert ang kapwa-aktres na si Kakai.

Caption niya sa IG, “Basta alam kong umuwi akong masaya! i love you @blackpinkofficial [heart emoji].”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez)

Ang two-day concert ng Blackpink sa Pilipinas ay nangyari nitong March 25 at 26 sa Philippine Arena sa Bulacan.

Matatandaang nag-umpisa ang world tour ng grupo noong October 2022 sa Seoul, South Korea at nakatakda itong matapos sa June 17 sa Sydney, Australia.

Related Chika:

Solo album ni Rose ng Blackpink, nagpapaalala sa kanya ng isang bagay

Lisa ng Blackpink tinamaan ng COVID-19; iba pang miyembro ng grupo nagpa-PCR test agad

Mimiyuuuh nag-sorry sa fans ng BLACKPINK: Hindi na po mauulit…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending