Solo album ni Rose ng Blackpink, nagpapaalala sa kanya ng isang bagay | Bandera

Solo album ni Rose ng Blackpink, nagpapaalala sa kanya ng isang bagay

|March 13,2021
facebook
share this

Solo album ni Rose ng Blackpink, nagpapaalala sa kanya ng isang bagay

- March 13, 2021 - 11:19 AM

rose blackpink

The Korea Herald/Asia News Network

SEOUL — Sa launch ng kanyang debut solo album, nabigyan ng pagkakataon ang K-pop singer na si Rose, miyembro ng hit band na Blackpink, na balikan ang kanyang pinagmulan para magsilbing paalala sa kung ano talaga ang nagbibigay sa kanya ng motibasyon bilang isang alagad ng sining.

Sumikat sa buong mundo ang Blackpink simula pa nang ipakilala ang grupo sa South Korea noong 2016. Nitong Biyernes, si Rose na pangunahing vocalist ng grupo, ay naglabas ng solo album na may titulong “R”.

Sinabi ni Rose na ang pangunahing kanta, ang “On The Ground”, ay tumagos sa kanyang puso dahil sinasalamin nito ang kanyang career, mula pa noong nagsimula siya bilang trainee hanggang sa pag-imbulog sa stardom ng kanilang grupong Blackpink.

“The song won my heart as it matches my life,” wika ni Rose sa isang online news conference, na partikular na tinutukoy ang lyrics ng kanta na: “I worked my whole life, just to get high, just to realize: everything I need is on the ground.”

“I’d rushed towards my dream since my trainee days but at times I questioned what my motive was. The lyrics reflect me well.”

Lumaki ang 24-na-taong-gulang na singer, na ang buong pangalan ay  Roseanne Park,  sa Australia at New Zealand bago tumungong South Korea kung saan siya ay pumirma ng kontrata sa YG Entertainment agency.

Ang teaser ng kanta na naka-post sa YouTube noon pang huling bahagi ng Enero ay pinanood ng may  48.5 milyong beses na.

Suportado naman ng tatlong iba pang myembro ng Blackpink ang paglalabas ni Rose ng solo album dahil hindi naman ito nangangahulugan na mabubuwag na ang grupo.

Umaasa si Rose na magiging masaya ang kanyang mga fans sa album, lalupa sa gitna ng krisis pangkalusugan na kinakaharap ng mundo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“It’s a first step to show myself as I am, it gave me a lot of realisations, sympathy and comfort as I was working on it,” ani Rose.

“I hope it’ll do the same for the listeners.”

Mula sa ulat ng Reuters

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending