McCoy sinuwerteng mapasama sa 'Batang Quiapo', tuwang-tuwa nang mapiling gumanap bilang utol ni Coco | Bandera

McCoy sinuwerteng mapasama sa ‘Batang Quiapo’, tuwang-tuwa nang mapiling gumanap bilang utol ni Coco

Ervin Santiago |February 22,2023
facebook
share this

McCoy sinuwerteng mapasama sa ‘Batang Quiapo’, tuwang-tuwa nang mapiling gumanap bilang utol ni Coco

Ervin Santiago - February 22, 2023 - 06:28 AM

McCoy sinuwerteng mapasama sa 'Batang Quiapo', tuwang-tuwa nang mapiling gumanap bilang utol ni Coco

McCoy de Leon

FEELING blessed and grateful ang Kapamilya actor na si McCoy de Leon dahil hanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang nabibigyan ng trabaho sa ABS-CBN.

Sobrang sarap daw sa feeling na until now ay pinagkakatiwalaan pa rin siya ng mga bossing sa Kapamilya Network kaya naman talagang triple ang ipinakikita niyang kasipagan.

Napapanood si McCoy ngayon sa latest action-drama-romance series ng ABS-CBN na “FPJ’s Batang Quiapo” na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Todo ang pasasalamat ng aktor kay Coco at ng buong production ng programa dahil binigyan siya uli ng chance na makaarte muli sa telebisyon kasama pa ang naglalakihang artista sa Pilipinas.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)


“Masarap sa feeling kasi panibagong blessing ito at saka ibang blessing ito na naibigay sa akin ngayong taon.

“Nagpapasalamat din ako kay Kuya Coco talaga. Hindi lang ‘yung tulong na naibibigay niya kung hindi pati na rin para sa craft ko, yung lalo ko pang mahasa,” pahayag pa ni McCoy.

Gumaganap ang partner ni Elisse Joson sa “Batang Quiapo” bilang kapatid ng karakter ni Coco. In fairness, sa araw-araw na pagte-taping nila ay napakarami niyang natututunan sa premyadong aktor.

“Masarap sa pakiramdam. Si Kuya Coco, isang reason rin talaga niya ay ‘yung resemblance namin. Kaya sobrang suwerte po ako na mapili ako ni Kuya,” sabi ng celebrity daddy.

Ang isa raw sa talagang misyon ng kanilang serye ay, “Siyempre mapasaya ang mga tao talaga at mapakita rin yung iba’t ibang istorya lalo na ang mga istorya sa Quiapo.”

Nagkatrabaho na rin noon sina Coco at McCoy sa seryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” na tumagal ng pitong taon sa ere.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mccoy De Leon (@mccoydeleon)


Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin aktibo ang aktor sa kanyang Instagram account dahil hindi pa siya nagpo-post dito ng bagong litrato o video.

Nag-iisa pa rin ang photo na nasa IG niya, ang black and white picture nila ni Elisse kasama ang anak nilang si Baby Felize. Wala pang pahayag si McCoy kung bakit bigla niyang binura ang lahat ng post niya sa IG.

Nauna rito, kinumpirma naman ng Kapamilya actor na nagkaayos na sila ni Elisse matapos mabalita ang kanilang kontrobersyal na paghihiwalay.

Bakit nga ba pumili ng mga social media influencers si Coco Martin na maging parte ng ‘Batang Quiapo’?

Coco Martin puring-puri ni Cristy Fermin, ikinumpara kay Willie Revillame

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wish ni Lovi tinupad ng ABS-CBN, makakatambal na si Coco: Hindi pa rin ako makapaniwala na ginagawa ko na ang ‘Batang Quiapo’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending