#Anyare: McCoy de Leon binura lahat ng litrato sa Instagram, pero may isang tinirang 'alaala' | Bandera

#Anyare: McCoy de Leon binura lahat ng litrato sa Instagram, pero may isang tinirang ‘alaala’

Ervin Santiago |February 01,2023
facebook
share this

#Anyare: McCoy de Leon binura lahat ng litrato sa Instagram, pero may isang tinirang ‘alaala’

Ervin Santiago - February 01, 2023 - 09:40 AM

#Anyare: McCoy de Leon binura lahat ng litrato sa Instagram, pero may isang tinira...

Elisse Joson, McCoy de Leon at Felize

SHOOKT ang fans at social media followers ng aktor na si McCoy de Leon nang makitang burado na ang halos lahat ng mga litratong naka-post sa kanyang Instagram account.

Ang tanging itinira lamang ni McCoy ay ang isang litrato kung saan kasama niya si Elisse Joson at anak na si Felize, na ipinost niya noon pang July 9, 2022.

Kaya naman takang-taka ang mga netizens kung bakit bigla na lamang pinagbubura ng celebrity dad ang mga litrato sa kanyang IG page na may 2.3 million followers na ngayon.

Wala ring ginawang prior announcement ang Kapamilya star sa pagdi-delete ng kanyang mga post sa IG tulad ng ginagawa ng ibang celebrities na ang kadalasang dahilan ay ang “social media detox” dahil nga sa pagiging toxic na ng socmed.

Matatandaang nito lamang unang linggo ng January, 2023 ay  kinumpirma ni McCoy na naghiwalay na sila ni Elisse pero hindi niya binanggit ang tunay na dahilan ng kanilang breakup.

Pero makalipas lamang ang ilang araw ay may mga pagkakataon na naispatan silang magkasama kaya ang ispekulasyon ng madlang pipol ay nagkabalikan na rin ang dalawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)

Wala pang denial o kumpirmasyon sina McCoy at Elisse kung nagkabalikan nga sila o nag-usap lamang para sa co-parenting agreement nila para kay Baby Felize.

Bago mag-Pasko, nag-viral ang IG post ng aktor patungkol sa pangungulila niya sa anak. Kalakip ng litrato nila ni Felize ay ang madamdamin niyang mensahe para sa bata.

“Lagi mong tatandaan na mahal kita.

“IKAW lang ang nakaka alam.

“IKAW lang ang makakaintindi sa akin.

“IKAW lang ang maasahan ko.

“IKAW lang ang rason kaya ako nabubuhay.

“IKAW lang ang lahat lahat ko.

“Sana pag tanda mo ‘wag magbago tingin kay daddy ha pasensya na kung hindi lang talaga nakaya ni daddy. Sana maikwento ko sa’yo pagtanda mo.

“Don’t worry masasaya naman ikukwento ko na may konting problema hehe para naman maintindihan mo si daddy.

“Basta ha lagi kang nasa isip ni daddy pasensya na rin kung dito ko nailagay message ko hindi ko na alam paano kita makakausap eh. ‘Wag bibigyan ng sakit sa ulo si mommy ha i-love mo siya.

“Last na…anak wag mo silang pansinin ok? Mahal na mahal kita anak ko. Miss na miss na kita sobra…*hug na mahigpit*,” aniya pa.

McCoy umaming planong layasan ang Pinas kasama si Elisse: Lagi ko siyang gustong itakas sa ibang bansa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

True ba, McCoy sumuko na dahil hindi pa rin boto sa kanya ang nanay ni Elisse?

Elisse ibinuking kung bakit nai-stress pa rin si McCoy kahit may mga negosyo at 2 building na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending