True ba, McCoy sumuko na dahil hindi pa rin boto sa kanya ang nanay ni Elisse? | Bandera

True ba, McCoy sumuko na dahil hindi pa rin boto sa kanya ang nanay ni Elisse?

Reggee Bonoan |January 05,2023
facebook
share this

True ba, McCoy sumuko na dahil hindi pa rin boto sa kanya ang nanay ni Elisse?

Reggee Bonoan - January 05, 2023 - 04:29 PM

True ba, McCoy sumuko na dahil hindi pa rin boto sa kanya ang nanay ni Elisse?

Elisse Joson, McCoy de Leon at Baby Feline

NOONG Agosto, 2022 pa pala hiwalay sina McCoy de Leon at Elisse Joson. Meron silang magtatatlong-taong gulang na anak na babae, si Felize Mckenzie.

Ayon sa aming reliable source ay nasa poder ni Elisse ang anak at kasalukuyang nakatira ang mag-ina sa piling ng mommy niyang si Dra. Christine Joson Diuco na umuwi na ng Pilipinas for good.

Kuwento ng aming source, “Hindi na natiis ni McCoy naglabas na siya ng sama ng loob kasi ang tagal na niyang kinikimkim. August last year (2022) pa sila hiwalay hindi sila magkagalit ni Elisse, inaayos naman nila kaso hindi na kinaya.

“Alam naman ng lahat di ba, na hindi boto ang mommy ni Elisse kay McCoy, inamin din naman ito ni McCoy sa mga nauna niyang interview, pero grateful naman siya kasi doon nanganak si Elisse sa States

“So, doon nag-stay tapos bumalik lang nu’ng 3 months old na si Felize. Sabi ni McCoy di ba, hindi na niya kinaya kasi sobrang bigat na ng problema niya?” ang simulang sabi ng aming kausap.

Nasambit ng aktor sa Instagram Story niya kagabi, Miyerkules, ang pagkumpirma ng status ng relasyon nila ni Elisse na nakasulat sa black background at pumili ng maliliit na white font para ikuwento ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mccoy De Leon (@mccoydeleon)

Parte ng post ng aktor, “Hindi ko po intensyon manakit ng tao o manloko. Sadyang dumating lang po sa point na sobrang bigat lang ng problema kaya po ako sumuko.”

Going back to our reliable source, “Yung sinasabi ni McCoy na siya na ang sumuko ay dahil hanggang ngayon ay hindi boto sa kanya ang mommy ni Elisse. Hindi kasi siya isinasama sa mga lakad like sa out of town, naeetsapuwera siya.  Maraming beses na talaga.”

Nabanggit naming baka naman kasi busy si McCoy sa tapings or shootings kaya siya na mismo ang hindi sumasama sa mga lakad ng mag-ina niya.

“Hindi talaga siya isinasama.  Matagal namang walang work si McCoy, hindi talaga siya kasama,” diin pa ng aming kausap.

Nabanggit din ng aming reliable source na umuupa ng bahay sa Ayala Alabang sina McCoy at Elisse kasama ang anak nilang si Felize pero dahil naghiwalay na sila ay iniwan na nila ang nasabing bahay kahit bayad na raw ito.

“Sayang, di ba? Imagine ang mahal ng upa walang nakatira, kasi in-advance payment ‘yun, eh. Si Elisse sa mommy nga niya siya nakatira, si McCoy naman sa condo sa Timog, Quezon City nakatirang mag-isa,” kuwento pa ng aming kausap.

Nu’ng naghiwalay daw ang McLisse ay okay pa ang dalawa kasi nag-uusap at inaayos nga nila pero ngayong katagalan ay tila hindi na nga umubra.

Baka kasi dahil sa nali-link na social media influencer na si Mary Joy Santiago kay McCoy kaya tuluyan nang hindi silannag-usap ni Elisse.

“’Yung Mary Joy naman hindi naman ‘yan. Magkakaibigan sila, nag-inuman sila tapos nagpa-picture lang. Marami naman sila that time, picture-picture lang kaya ‘wag idamay ‘yun,” diin pa sa amin.

Kaya may post din si McCoy na, “Wala po (ng) involved na ibang tao, ang pinakarason kaya kami naghiwalay. Sana po maniwala po kayo.”

Anyway, matagal nang hindi nakikita ni McCoy ang anak na si Felize kaya pala idinaan na lang niya sa open letter sa IG post niya noon pang Disyembre 19 na isinulat namin dito sa BANDERA kahapon at hindi lang kaagad napansin ng netizens dahil naging abala ang lahat sa Metro Manila Film Festival 2022 kung saan kasali ang pelikula nina McCoy at Nadine Lustre na “Deleter.”

Narito ng open letter ni McCoy sa anak bilang caption na rin sa larawan nilang dalawa.

“Lagi mong tatandaan na mahal kita.

“IKAW lang ang nakaka alam.

“IKAW lang ang makakaintindi sa akin.

“IKAW lang ang maasahan ko.

“IKAW lang ang rason kaya ako nabubuhay.

“IKAW lang ang lahat-lahat ko.

“Sana pag tanda mo ‘wag magbago tingin kay daddy ha pasensya na kung hindi lang talaga nakaya ni daddy. Sana maikwento ko sa’yo pagtanda mo.

“Don’t worry masasaya naman ikukwento ko na may konting problema hehe para naman maintindihan mo si daddy.

“Basta ha lagi kang nasa isip ni daddy pasensya na rin kung dito ko nailagay message ko hindi ko na alam paano kita makakausap eh. ‘Wag bibigyan ng sakit sa ulo si mommy ha i-love mo siya.

“Last na…anak wag mo silang pansinin ok? Mahal na mahal kita anak ko. Miss na miss na kita sobra…*hug na mahigpit*”

Samantala, humingi kami ng pahintulot sa kampo ni Elisse kung puwede namin siyang makapanayam at ang mommy Christine niya pero sinabihan kami na babalikan kami.

Hanggang matapos naming sulatin ang balitang ito ay hindi pa kami binalikan ng aming kausap.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Elisse at ng kanyang ina. Agad naming ilalathala ang kanilang magiging sagot.

McCoy laging tinatanong kung kailan pakakasalan si Elisse: Ayaw naming biglain, ayaw naming madaliin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

McCoy umaming planong layasan ang Pinas kasama si Elisse: Lagi ko siyang gustong itakas sa ibang bansa

McCoy kay Elisse: Hindi man malaprinsesang buhay ang naibibigay ko, gagawin ko ang lahat para mapasaya ka…dahil mahal kita!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending