McCoy umaming planong layasan ang Pinas kasama si Elisse: Lagi ko siyang gustong itakas sa ibang bansa
NAISIPAN din pala ng celebrity daddy na si McCoy de Leon na mangibang-bansa kasama ang kanyang mag-ina noong kasagsagan ng pandemya.
Ini-imagine kasi ng aktor na baka raw mas maging maayos at safe ang kanyang pamilya kapag sa ibang bansa sila maninirahan lalo pa’t paiba-iba noon ang level ng community quarantine sa Pilipinas.
Sa panayam ng ilang entertainment media kay McCoy, naibahagi niya ang tungkol dito at sa pagsisimula nila ng kanyang live in partner na si Elisse Joson sa pagbuo ng sariling pamilya kasama ang panganay nilang si Baby Felize.
Ayon kay McCoy, malaking tulong daw ang pagkakaroon at pag-aalaga nila ni Elisse ng anak sa pagganap ng iba’t ibang karakter onscreen, kabilang na nga riyan ang ginawa nilang pelikula sa Vivamax na “Habangbuhay.”
“Nakatulong ito kasi lagi kaming magkausap ni Elisse communication-wise and malaking bagay na nagagawa namin yun kasi mas naiintindihan namin ang isa’t isa.
“Hangga’t maaari sa mga ganu’ng mga bagay, mas dinidiin namin sa character. Kasi hindi naman din lahat puwede i-apply sa totoong buhay.
View this post on Instagram
“Kumbaga bilang aktor ka, meron ka ng ibang ibibigay sa relatable pa rin sa totoong buhay. Yung experiences namin sa bawat project namin dun siguro kami natuto. Ina-apply lang namin yun,” pahayag ng dating member ng grupong Hashtags na unang nakilala sa “It’s Showtime.”
Mas lalo pa raw siyang bumilib kay Elisse nang gawin nila ang kauna-unahan nilang Vivamax Original film.
“Na-appreciate ko si Elisse. Yung commitment niya like talagang pinaghandaan. Lagi niyang inaaral lahat. Kasi na-witness ko siya, eh. Na-witness namin ang isa’t isa nu’ng baguhan kami na artista eh. Kumbaga medyo relaxed.
“Pero ngayon kung trabaho, trabaho. Kasi magkasama kami sa trabaho kaya ibibigay din namin yung best namin.
“As a couple, na-appreciate din namin lahat lahat ng bumubuo ng film. Kapag pinanood ito ng anak namin, gusto namin na proud siya. Gusto namin masaya siya.
“Sana proud siya bilang daughter namin at sana siya din kung ano man ang tahakin nya, maging actor man siya, proud rin kami in the future,” lahad pa niya.
At dito na nga naikuwento ni McCoy na noong nagsisimula pa lamang ang loveteam nila ni Elisse (McLisse) ay plano na niyang dalhin ang aktres sa ibang bansa.
“Oo, maraming beses. Lagi ko siyang gustong itakas sa ibang bansa. Ha-hahaha! Pero siyempre bata-bata pa ako nu’n hindi pa ako nakaipon, ganu’n.
“Dating love team namin sobrang araw-araw yung trabaho namin kaya siguro yung time yun din makakahadlang. Kumbaga, konti lang talaga yung free time namin. Kahit makapag ibang lugar mahirap din kasi oras talaga.
“Pero ito ngayon minsan nagbabalak kami mag-dito dito muna, out of town muna, galing nha kaming Bohol nung nakaraan. Pero hindi nawawala sa amin yung excitement pa rin,” paliwanag pa ni McCoy.
At noon ngang kasagsagan ng napakahigpit na community quarantine sa bansa dulot ng COVID-19 pandemic ay naisip din ni McCoy na mag-migrate na abroad.
“Oo, kasi for me na-realize ko sa pandemic na life is short and hindi natin masasabi yung buhay eh. At the same time para maging safe din.
“Kaya itong mga nangyari sa amin ngayon, gusto ko iparanas sa kanya na makapunta sa ibang lugar and at the same time sa baby namin gusto namin mapasaya.
“Expected naman na merong hard times kasi meron talagang pagsubok in the future pero ang importante yung journey din namin. Yung journey and progress niya growing up, ang saya ma-witness nun and memories din with her. Wala kami halos hirap pero gusto namin mahirapan para matuto pa,” katwiran pa niya.
https://bandera.inquirer.net/309919/mccoy-laging-tinatanong-kung-kailan-pakakasalan-si-elisse-ayaw-naming-biglain-ayaw-naming-madaliin
https://bandera.inquirer.net/311244/elisse-ibinuking-kung-bakit-nai-stress-pa-rin-si-mccoy-kahit-may-mga-negosyo-at-2-building-na
https://bandera.inquirer.net/303196/elisse-sa-part-2-ng-love-story-nila-ni-mccoy-kapag-tumibok-ang-puso-wala-ka-nang-magagawa-kundi-sundin-ito
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.