Dennis, Jennylyn nakabili ng super expensive na bahay sa Las Vegas; buy nang buy ng mga property | Bandera

Dennis, Jennylyn nakabili ng super expensive na bahay sa Las Vegas; buy nang buy ng mga property

Reggee Bonoan |February 01,2023
facebook
share this

Dennis, Jennylyn nakabili ng super expensive na bahay sa Las Vegas; buy nang buy ng mga property

Reggee Bonoan - February 01, 2023 - 09:58 AM

Dennis, Jennylyn nakabili na ng super expensive na bahay sa Las Vegas; buy nang buy ng mga property

Jennylyn Mercado, Dennis Trillo at Baby Dylan

NASA Las Vegas, Nevada ngayon ang mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado kasama ang anak nilang si Baby Dylan.

Kahapon, Martes sumunod si Dennis para sundan ang mag-ina niya na noong Enero 22 pa naroon para bisitahin ang nabiling bahay sa Summerlin Residential Community, Las Vegas Valley of Southern Nevada, USA.

Two years ago pa pala nabili nina Jennylyn at Dennis ang bahay at last November, 2022 lang na-turn-over at ang maganda ay may uupa na kaagad doon kaya isa rin ito sa dahilan kung bakit lumipad sa US ang mag-asawa para asikasuhin ang nasabing bahay.

Ayon sa kuwento sa amin ni Tita Becky Aguila, manager ng aktres, ay malaking bahay ito at overlooking Red Rock Canyon pero hindi na namin isusulat kung magkano nila ito nabili.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny)


Sa nasabing village rin nakatira ang isa sa kambal ni tita Becky na si Bianca na nagtatrabaho bilang nurse sa Vegas at sa kanya tumutuloy ngayon sina Dennis, Jennylyn at Baby Dylan. Kasamang lumipad ng aktres ang kanyang handler na si Jan Enriquez.

Ipinost ni Jen ang nabiling bahay nila sa kanyang IG stories pero nawala na rin ito at hoping na muli siyang mag-post kapag pinuntahan nila uli ang property ngayong weekend.

Paglalarawan pa ni tita Becky sa bahay ng aktres, “It’s a big and nice house, mas bongga ang bahay ni Jen, mas expensive.”

Nang makita namin ang bahay ng anak ni ‘Ta Becky ay nagandahan na kami at mas maganda pa pala ang nabili nina Jennylyn.

Samantala, mahilig daw mag-invest ng properties ang mag-asawa tulad ng ipinatayo nilang rest house sa Tanay, Rizal na overlooking naman ng Windmill Farm sa Pililia, Rizal.

“It’s made of container naman,” sambit ni tita Becky.

Nakita na namin ito dahil nagbibigay naman ng update ang DenJen sa kanilang bahay sa Tanay.

Anyway, hindi talaga natiis ni Dennis na hindi makita nang matagal ang mag-ina niya kaya kaagad siyang sumunod. Mami-miss na ng aktor ng bungisngis ng anak na ayon kay tita Becky ay kamukha raw talaga ng aktor.

Sinamantala na rin ng pamilya na makapagbakasyon sila bago sumabak sa trabaho sa Marso si Jennylyn dahil balik taping na siya para sa series nila ni Xian Lim na “Love. Die. Repeat.”

Si Dennis naman ay may project kaagad pagkatapos ng “Maria Clara at Ibarra” kung saan makakatambal niya si Bea Alonzo.

Dagdag inspirasyon din ni Jen ang pagkakapanalo niya bilang Best Single Performance by an Actress sa katatapos na 35th Star Awards for Television para sa “Magpakailanman” episode na “Sa Kamay ng Fake Healer” na ipinalabas noong 2021.

At higit sa lahat, thankful si Jennylyn sa GMA 7 dahil hanggang ngayon ay hindi siya binibitawan ng network.

Princess Sarah naiyak nang malamang buntis na si Becky; fans nina Camille at Angelica napa-throwback nang bongga

Lolit Solis pinagsabihan ang manager ni Andrea: Sa halip na manakot unahin niyang kausapin si Andrea at pangaralan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jennylyn Mercado, Dennis Trillo ibinandera si Baby Dylan, kinagiliwan ng netizens

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending