Jennylyn Mercado, Dennis Trillo ibinandera si Baby Dylan, kinagiliwan ng netizens | Bandera

Jennylyn Mercado, Dennis Trillo ibinandera si Baby Dylan, kinagiliwan ng netizens

Reggee Bonoan |November 03,2022
facebook
share this

Jennylyn Mercado, Dennis Trillo ibinandera si Baby Dylan, kinagiliwan ng netizens

Reggee Bonoan - November 03, 2022 - 01:42 PM

Jennylyn Mercado, Dennis Trillo ibinandera si Baby Dylan, kinagiliwan ng netizens
VIRAL ang face reveal ng mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa kanilang anak na si Dylan.

Sa Instagram account ni Jennylyn ay pinost niya ang larawan ng anak nila nan aka-Halloween costume kasama sila.

Ang caption ni Mrs. Ho, “Sending kisses from our family to yours! #hallooween2022 #dylanjaydeho #6monthsold.”

Anyway, humabol sa halloween celebration ang Ultimate Kapuso couple kaya nila pinost ang cute photos nila at ang baby nilang si Dylan.

First time na ipinakita ng mag-asawa sa publiko ang mukha ni baby Dylan simula ng isilang ito anim na buwan ang nakakaraan.

Suot ang chocolate-inspired costumes, kinagiliwan ng netizens pati na rin ng mga kaibigan nina Jen at Dennis sa showbiz ang nakaka-good vibes na family portrait lalo na ang cuteness ni Dylan.

“Hi Baby D! See you soon!” comment ng aktres at fellow Starstruck Batch 1 alumni na si Sheena Halili.

“Huhu so prettyyyyy,” say naman ng Kapuso comedienne na si Chariz Solomon. Hindi pa man isinisilang ay headliner na si Baby Dylan dahil dumating ito sa buhay ng mag-asawa just in time bago sila sumabak sa surrogacy.

Bagamat unexpected ay lubos na ikinagalak nina Jennylyn at Dennis na ang aktres mismo ang nagluwal sa kanilang unang supling.

Sa ngayon, busy si Dennis sa kanyang top-rating na teleserye na Maria Clara at Ibarra na patuloy na umaani ng magagandang reviews sa manonood.

Iisa naman ang tanong ng netizens, kailan ang pagbabalik ni Jennylyn sa telebisyon dahil marami na ring nasasabik na muli siyang mapanood sa TV series.

Nakuha naman namin ang balita na sa 2023 ang pagbabalik ni Jen na mapapanood sa GMA 7.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny)

* * *

Friendship over na ba ang Team WISE?

Nanganganib magkawatak-watak ang magkakaibigan lalo na’t pinagseselosan na ni Legs (Kaori Oinuma) ang namumuong samahan nina Rocky (Anthony Jennings) at Cars (Daniela Stranner) sa Tara, G! ng iWantTFC.

Hindi na naitago ni Legs ang kanyang pagkagusto kay Rocky nang pagselosan niya sina Rocky at Cars dahil buong araw silang nagsama para maghatid ng kape sa kabilang bayan.

Mas titindi pa ang problema ng kanilang barkada dahil sa tensyon sa pagitan nina Legs at Dan (JC Alcantara). Kinompronta kasi ni Dan si Legs tungkol sa totoo nitong nararamdaman para kay Rocky at lalo pang lumaki ang galit ni Legs dahil bigla na lang siyang sinubukan halikan ni Dan.

Dahil dito, madadamay na rin ang Team WISE sa alitan ng dalawa at maapektuhan ang negosyo nilang pagbebenta ng kape. Bad timing pa ang kanilang hindi pagkakaunawaan dahil matindi ang pangangailangan nila ng pera para kay Smith (CJ Salonga) matapos itong matanggap sa kolehiyo.

Aamin na ba si Legs kay Rocky at mapapatawad pa ba niya si Dan? Ano ang solusyon ng Team WISE para maayos ang kanilang samahan?

Napapanood sa buong mundo ang Tara, G! at may bago itong episode kada Biyernes, 8 PM (Manila time). Libre itong napapanood sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com) at available rin ito sa premium subscribers sa labas ng Pilipinas.

Related Chika:
Jennylyn Mercado biglang napaanak, magpapa-check up lang sana

Dennis Trillo, Jennylyn Mercado nag-explain kung bakit ‘Dylan’ ang ipinangalan sa kanilang baby

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dennis Trillo sa ‘second chance’ na ibinigay sa kanila ni Jennylyn Mercado: Siya pa rin sa huli…

Jennylyn Mercado magbabalik showbiz na: ‘First quarter next year…’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending