Dennis Trillo sa ‘second chance’ na ibinigay sa kanila ni Jennylyn Mercado: Siya pa rin sa huli…
MAY revelation ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo tungkol sa masakit na nakaraan nila ng aktres na si Jennylyn Mercado.
Sa podcast ni entertainment correspondent Nelson Canlas na “Updated with Nelson Canlas” ay idinetalye mismo ni Dennis ang mga pangyayari matapos sila maghiwalay ni Jennylyn ilang taon na ang nakaraan.
Umamin pa nga ang aktor na siya ang unang lumapit sa pamamagitan ng “text” habang siya’y may taping sa London para sa show na “My Husband’s Lover.”
Kwento niya, “Ako ‘yung nag-text. Siguro na-miss ko siya o ano.”
Tuloy pa niya, “Tinext ko lang na, ‘O, kumusta ka na?’ Nag-reply naman siya tapos simula no’n, nagtuloy na ulit ‘yung communication naming dalawa.”
View this post on Instagram
Sabi pa ni Dennis, tuwang-tuwa siya na nagkabalikan sila ni Jennylyn, at hindi rin makapaniwala na mag-asawa na sila ngayon.
Chika niya, “‘Yun ‘yung nakakatuwa, na nangyari ‘yung hindi mo akalain tapos ‘di mo alam, siya pa rin talaga hanggang sa huli.
“Pareho kami, never namin na-imagine na mangyayari ‘to sa mga buhay namin, na magkakaroon kami ng happy ending. Actually hindi pa happy ending, happy start,” patuloy pa niya.
View this post on Instagram
Taong 2010 nang mag-umpisa ang relasyon ng dalawa, pero naghiwalay rin matapos ang isang taon.
Noong 2014 silang nagkabalikan at matapos naman ng pitong taon ay ikinasal na sila.
Nangyari ang kanilang intimate civil wedding Nobyembre ng nakaraang taon.
Nagkaroon sila ng anak nitong Mayo.
Read more:
Jennylyn Mercado, Dennis Trillo ipinasilip na sa publiko ang mukha ni Baby Dylan
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.