Dennis Trillo bumilib kay Jennylyn Mercado: Kaya mo lahat! | Bandera

Dennis Trillo bumilib kay Jennylyn Mercado: Kaya mo lahat!

Therese Arceo |May 17,2022
facebook
share this

Dennis Trillo bumilib kay Jennylyn Mercado: Kaya mo lahat!

Therese Arceo - May 17, 2022 - 08:52 PM

Dennis Trillo bumilib kay Jennylyn Mercado: Kaya mo lahat!

NAG-UUMAPAW ang paghangang nadarama ng Kapuso actor na si Dennis Trillo para sa asawa at ina ng kanilang Baby D na si Jennylyn Mercado.

Nitong May 15 ay ipinagdiwang nito ang kanyang 34th birthday kaya naman nagbigay ng mensahe ang aktor sa kanyang kapapanganak lamang na asawa.

“Ang role mo bilang babae, bilang ina at asawa, napaka hirap pala.
Bilib ako sa’yo, kasi kayang kaya mo lahat, you make it look so easy!” saad ni Dennis sa kanyang Instagram account.

Aniya, sobrang swerte niya dahil kasama niya si Jennylyn sa kanyang araw-araw na pamumuhay at sinoguradong palagi rin nila itong susuportahan sa lahat ng naisin nito.

“Ang swerte namin na kasama ka namin sa mga buhay namin, kaya nandito lang din kami parati para sa iyo. I love you. Happy birthday mahal ko,” dagdag pa ni Dennis.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dennis Trillo (@dennistrillo)

Marami naman sa mga kaibigan nila sa industriya ang nagpaabot ng birthday greetings para sa mommy of three gaya na lamang nina Rafael Rosell at Shaira Diaz.

Sa katunayan, nag-post rin si Jennylyn ng message para kay Dennis noong May 12 kung saan nag-celebrate ito ng kanyang ika-41st birthday.

“Happy birthday to the husband and dad with the heart of gold @dennistrillo. We feel so blessed to have found true love in your arms. Salamat sa iyong napakatamis na pagaalaga at hindi ka talaga nawala sa tabi namin from day 1. You make every waking hour a blessing! We love you!” sey ni Jen.

Matatandaang noong April 25 nang ipanganak ni Jennylyn ang kanilang baby girl ni Dennis.

Pagkukwento nila, dapat raw ay normal na pagpapa-check up lang sa kanilang OB ang araw na iton pero nagulat sila nang kinailangan nang manganak ng aktres s pamamagitan ng C-section.

Ibinahagi nina Jennylyn at Dennis ang magandang balita sa kanilang YouTube vlog pero wala pa ring face reveal ng baby ang mag-asawa na talaga namang inaabangan ng mga netizens.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Promise ni Dennis kay Jennylyn: Sa lupa, sa ilalim ng dagat, kahit saan pa man…hindi kita pababayaan

Jennylyn, Dennis ikinasal na, sumumpa sa isa’t isa: Forever, you and me!

Jennylyn, Dennis lumantad na bilang Kakampink: Kailangan naming manindigan para sa aming mga anak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending