Dennis Trillo sa pagganap bilang Crisostomo Ibarra: Sobrang bigat kaya parang hindi ka puwedeng magkamali... Bandera

Dennis Trillo sa pagganap bilang Crisostomo Ibarra: Sobrang bigat kaya parang hindi ka puwedeng magkamali…

Ervin Santiago |September 27,2022
share this

Dennis Trillo sa pagganap bilang Crisostomo Ibarra: Sobrang bigat kaya parang hindi ka puwedeng magkamali…

Ervin Santiago - September 27, 2022 - 08:04 AM

Dennis Trillo, Barbie Forteza at Julie Anne San Jose

AMINADO ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo na matinding challenge ang kanyang hinarap sa historical portal fantasy series ng GMA 7 na “Maria Clara At Ibarra.”

Kakaibang hamon daw ang naranasan niya sa pagganap bilang si Crisostomo Ibarra sa naturang Kapuso series na isa nga sa mga bidang tauhan mula sa nobela ni Jose Rizal na “Noli Me Tangere.”

Ayon kay Dennis, hindi lang siya ang nahirapan at talagang nag-effort para mas lalong mapaganda ang kanilang programa at hindi mapahiya sa mga manonood.

“Hindi siya basta-basta na role, e. Kailangan mo siya talagang aralin. Hindi ka puwedeng basta-basta mag-adlib na lang ng mga gusto mong sabihin doon sa character. Kailangan talaga nakasukat lagi ‘yung mga gagawin mo at sasabihin,” ang pagbabahagi ni Dennis sa mediacon ng “Maria Clara At Ibarra” last Friday.

Aniya pa, “Parang hindi pangkaraniwan kasi iba ‘yung kultura noon at iba ‘yung kultura ngayon.

“Iba ‘yung pananalita nila, iba ‘yung histura nila. Maganda ‘yung makikita nila ‘yung contrast noong mga characters dito,” sabi pa ng mister ni Jennylyn Mercado.

Dugtong pa ng premyadong aktor, “Sobrang bigat na responsibility kaya parang hindi ka puwedeng magkamali doon sa mga eksena. Every time na mayroon kaming mga Spanish na salita na babanggitin, nakabantay palagi.


“Kapag may mali kailangan mong ulitin. ‘Yung damit namin, ‘yung costume, kailangan period correct lahat, mula sa sapatos, sa hat, sa mga detalye ng pananamit,” sey pa ni Dennis sa panayan naman ng GMA Network.

Pagpapatuloy pa niya, “Mas mahirap lang kasi kailangan mong mag-ingat dahil iiwasan mo ‘yung pagpuna lalo na kung mali ‘yung ginawa niyo, mali ‘yung mga pinakita niyo, mali ‘yung mga sinabi.

“Mas mahirap lang dahil doon pero masaya siyang gawin dahil marami kaming katulong para buuin itong project na ito and maging maayos lahat noong ginagawa namin sa eksena,” aniya pa.

Ka-join din sa “Maria Clara At Ibarra” sina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza na gaganap bilang si Klay na isang estudyante na mapupunta sa nobela ni Rizal at si Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose na gaganap as Maria Clara.

Bukod dito, nandiyan din sina Roco Nacino, Juancho Trivino, David Licauco, Ces Quesada at marami pang iba, sa direksyon ni Zig Dulay. Magsisimula na ito sa October 3 sa GMA Telebabad.

Dennis, Julie Anne, Barbie bibida sa historical portal-fantasy na ‘Maria Clara at Ibarra’; Jo Berry pa-cute na kontrabida

Promise ni Dennis kay Jennylyn: Sa lupa, sa ilalim ng dagat, kahit saan pa man…hindi kita pababayaan

Jennylyn Mercado, Dennis Trillo ipinasilip na sa publiko ang mukha ni Baby Dylan

Jennylyn ‘iniwan’ agad ni Dennis 1 araw pagkatapos magpakasal: Siyempre, nakakalungkot

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending