Princess Sarah naiyak nang malamang buntis na si Becky; fans nina Camille at Angelica napa-throwback nang bongga | Bandera

Princess Sarah naiyak nang malamang buntis na si Becky; fans nina Camille at Angelica napa-throwback nang bongga

Ervin Santiago |March 23,2022
facebook
share this

Princess Sarah naiyak nang malamang buntis na si Becky; fans nina Camille at Angelica napa-throwback nang bongga

Ervin Santiago - March 23, 2022 - 12:43 PM

Camille Prats at Angelica Panganiban

Camille Prats at Angelica Panganiban

ALIW na aliw ang mga supporters nina Angelica Panganiban at Camille Prats na talagang napa-throwback nang bonggang-bongga sa kasikatan noon ni Princess Sarah.

May konek pa rin ang chikang ito sa announcent ni Angelica na nagdadalang-tao na siya sa panganay nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan.

Isa kasi si Camille sa mga  celebrities na bumati kay Angelica sa social media kaya naman natuwa ang mga netizens dahil naalala nilang bigla ang mga ginawang proyekto ng magkaibigan noong mga bata pa sila.

Ang kapatid naman ni Camille na si John Prats ay isa sa mga BFF ni Angelica sa showbiz kaya naman parang magkakapamilya na talaga ang turingan nila sa isa’t isa.

Nagkasama sina Camille at Angelica sa iconic movie ng Star Cinema na “Sarah: Ang Munting Prinsesa” na ipinalabas noong 1995.

Dito, ginampanan ni Camille ang bidang karakter na si Princess Sarah Crow habang si Angelica naman ang gumanap sa role n Becky, ang matalik na kaibigan ni Sarah na minamaltrato ng isa pang iconic na karakter sa nasabing movie, ang kontrabidang si Miss Minchin na binigyang-buhay naman ni Jean Garcia.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)


Bukod dito, isa pa sa mga pelikulang ginawa nila together ilang taon na ang nakararaan ay ang pelikulang “Ang Pulubi at ang Prinsesa” mula pa rin sa Star Cinema.

“Siiisss naiyak ako!!! Napakasaya ng puso ko para sayo at kay Greg. So excited for you sis!! Congratulations for such a beautiful blessing!” ang pagbati ng Kapuso actress at TV host sa kaibigan niyang future mommy.

Ilang sandali pa lang na naipo-post ni Camille ang kanyang comment ay nagsunud-sunod na ang reaksyon ng mga netizens at halos lahat ay natuwa at napa-throwback nga sa younger days ng dalawang aktres.

“Beckyyyyy… hindi ka pala talaga beki. Magiging mommy ka na!”

“Princess Sara, my childhood idol, at si Becky!”

“OMG!!!! Magkaka-baby na rin si Becky. Congratulations po.”

“@camilleprats wowed so sweet @iamangelicap so happy for you Ms. Angelica nasubaybayan ko paglaki mo at pinanood ko halos lahat ng movies n’yo ni Ms. Camille. Ang cute n’yo n’yo tlga you still sweet to each other as a friends.”

“@camilleprats idol ko kayo dalawa miss Camille bata pa Lang ako, I’m very much happy for Miss Angelica too.”

Kamakailan lamang ay ibinalita nga ni Angelica na magiging nanay na siya, “Sa wakas!!! Magagampanan ko na rin ang pinakahihintay, at pinaka-importanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Opo, may matres ako mga baklaaah! Ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin. Waaaaaah! Huhuhu may pamilya na ‘ko kaiyaq pramis,” pahayag pa Angelica.

Angelica sa mga babaeng iniwan: Mahalin ang sarili at dapat alam n’yo ang mga karapatan n’yo

Kuya Kim nag-comment sa post ni Camille; may patutsada kaya sa ‘It’s Showtime’?

6 tips ni Charo para sa mga laging nagtatanong ng ‘kaya ko ba ‘to?’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending