Lolit Solis pinagsabihan ang manager ni Andrea: Sa halip na manakot unahin niyang kausapin si Andrea at pangaralan | Bandera

Lolit Solis pinagsabihan ang manager ni Andrea: Sa halip na manakot unahin niyang kausapin si Andrea at pangaralan

Reggee Bonoan |May 15,2022
facebook
share this

Lolit Solis pinagsabihan ang manager ni Andrea: Sa halip na manakot unahin niyang kausapin si Andrea at pangaralan

Reggee Bonoan - May 15, 2022 - 06:51 PM

Ricci Rivero at Andrea Brillantes

PROUD girlfriend ang drama ni Andrea Brillantes kay Ricci Rivero sa pagkapanalo ng UP Maroons sa UAAP season 84 over Ateneo de Manila University Blue Eagles pagkalipas ng 36 years.

Ipinost ni Andrea ang larawang magkasama sila ni Ricci sa kanyang Instagram account na ang caption ay, “Congrats Champ (pink heart emoji).”

Samantala, kahit naglabas na ng official statement ang management company ni Andrea tungkol sa mga edited fake tweets na gamit ang account ng aktres ay marami pa rin ang naniwalang ginawa ito ng dalaga.

Hindi rin naman maiaalis na ganito ang isipin ng ibang netizens dahil kilala si Andrea sa pagiging vocal ng saloobin nito lalo’t first time voter at natalo pa ang ibinoto niyang kandidato.

Ang payo ng talent manager na si Manay Lolit Solis sa kapwa niya manager na si tita Becky Aguila na manager ni Andrea na ipinost niya sa kanyang IG account ngayong araw, tatlong oras na ang nakararaan habang sinusulat namin ito.

“Sa halip siguro na takutin ni Becky Aguila ang mga nagko-comment kay Andrea Brillantes ng cyber bullying mas magandang unahin niya kausapin si Andrea at pangaralan.

“Kasi nga baka dahil din sa mga posting ni Andrea Brillantes kaya nagkakaruon ng negative comments. Like iyon sinabi niya na mga bobo ang followers ni BBM (Bongbong Marcos), imposible na walang mag-react.

“Saka hindi nakukuha ngayon sa ganyan panakot ang tao, mas maganda ang ayusin kung ano ang mali ng alaga para maka iwas pa sa gulo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)


“Mabait si Becky Aguila at palagay ko naman ay level headed siya para makita kung saan ang mali. Andrea Brillantes is still new, kaya madali pang ayusin.

“Kung gusto niyang maging big star, tignan niya agad kung saan puwede meron siyang mali rubbing people the wrong way.

“Madali lang naman ayusin dahil mukha naman smart si Andrea. Sana nga maging eye opener sa kanya iyon mga comments para maging maayos ang lahat.

“Saka isa pang opinyon na sana huwag masamain nila Becky at Andrea, puwede naman maging vocal kung sino gusto mo suportahan, pero di ba mas maganda kung medyo classy iyon dating? Huwag barok.

“Kasi sabi ko nga mas bawas boto pag nainis iyon iba, mas maganda suwabe pakiusap lang, mas maganda ang dating. Goodluck Andrea Brillantes, be a good girl, mas better,” ang buong pahayag pa ng talent manager.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Andrea Brillantes, Ricci Rivero ‘dating’ na ayon sa source ni Mama Loi

Ricci Rivero sa pag-convert sa kanya ni Andrea: This isn’t about her being a perfect girlfriend

Darryl Yap ipinagtanggol si Jinggoy Estrada: Wag po tayong magpadala sa screenshots kuno

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending