Jennylyn ibinunyag na ‘first love’ niya si Dennis

Jennylyn ibinunyag na ‘first love’ niya si Dennis, never nagka-‘third party’

Pauline del Rosario |February 17,2024
facebook
share this

Jennylyn ibinunyag na ‘first love’ niya si Dennis, never nagka-‘third party’

Pauline del Rosario - February 17, 2024 - 03:36 PM

Jennylyn ibinunyag na ‘first love’ niya si Dennis, never nagka-‘third party’

PHOTO: Instagram/@mercadojenny

KAHIT may mga nakarelasyon na noon, ang aktor na si Dennis Trillo pa rin ang “first love” ng aktres na si Jennylyn Mercado.

‘Yan ang ibinunyag mismo ni Jennylyn nang makapanyam ng veteran broadcast journalist na si Karen Davila ang couple.

Sinabi pa nga ng aktres na dati pa niyang pinapangarap na makasama habambuhay ang aktor.

“Si Dennis kasi ‘yung first love ko. Syempre ‘yun ‘yung nilo-look forward ko, ‘yun ‘yung gusto ko, ‘yun ‘yung dream ko na makasama siya. Pero may mga times na magda-doubt ka kasi ang dami niyong pinagdadaanan,” sey niya.

Nabanggit din niya na sa halos isang dekada nilang pagsasama ay never silang nagkaroon ng lokohan sa relasyon at ito raw ang isa sa mga factors kaya nananatili silang matibay.

“Sa tagal naming magkasama, never kaming nagkaproblema sa mga third party, ‘yung mga ganiyan. Never kami nagkaroon ng isyu sa mga ganyan,” sambit ni Jennylyn.

Baka Bet Mo: Dennis dedma sa magpaparamdam na ex-dyowa, hindi kayang lokohin si Jennylyn: ‘Sorry ka na lang, kung sino ka man’

Paliwanag niya, “Ang bait kasi nitong tao na ‘to. Ibang klase si Dennis. Siya ‘yung isa, o pinaka generous, pinaka totoo, pinaka mapagmahal na tao na kakilala ko.”

Para naman kay Dennis, “true love” niya ang kanyang misis na si Jennylyn.

“True love. Pinakamatinding feeling na naramdaman ko para sa isang tao,” wika ng aktor.

Patuloy niya, “Sa kanya ko rin ipinaramdam ‘yung pagmamahal na hindi ko akalain na capable pala ako na gawin.”

At dahil daw diyan ay malaki daw ang pinagbago ng aktor bilang tao at mister.

“Mas bumait ako. Mas nagkaroon ng direksyon ‘yung buhay ko,” proud na sinabi ni Dennis.

Dagdag niya, “Dati kasi parang masyado akong happy-go-lucky. Wala ako masyadong plano. ‘Nung nakilala ko siya, ‘nung kinasal kami [nagbago].”

Nang tanungin naman sila kung bakit napagdesisyunan nilang gawing pribado ang kanilang lovelife.

Sagot ng mag-asawa, umiiwas kasi silang masangkot sa mga kontrobersiya.

“Habang tumatanda gusto mo laging peaceful na lang. Ayaw mo na ng controversies,” tugon ni Dennis.

Ani pa niya, “Saka hindi naman lahat ng masasayang bagay kailangan namin ishare. Pwede naman ‘yung tahimik lang, nag-eenjoy lang kami.”

Lahad naman ni Jennylyn, “Kahit gaano kasi kaganda ‘yung ipost namin, parang ang dami pa ring comments na hindi magaganda so might as well private na lang.”

Kung matatandaan, bago maging sila ni Dennis ay naging dyowa muna ng aktres ang mga aktor na sina Mark Herras, Patrick Garcia at Luis Manzano.

Nagka-girlfriends din noon si Dennis na sina Carlene Aguilar, Cristine Reyes at Bianca King.

Taong 2010 nang unang kumpirmahin ng mag-asawa ang kanilang relasyon, pero sila ay naghiwalay rin makalipas ang isang taon.

Noong 2014 naman nang magkabalikan sila at ikinasal noong 2021.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May tig-isang anak sila mula sa past relationships, pero mayroon din silang anak together na si Dylan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending