Dennis dedma sa magpaparamdam na ex-dyowa, hindi kayang lokohin si Jennylyn: 'Sorry ka na lang, kung sino ka man' | Bandera

Dennis dedma sa magpaparamdam na ex-dyowa, hindi kayang lokohin si Jennylyn: ‘Sorry ka na lang, kung sino ka man’

Ervin Santiago |October 15,2023
facebook
share this

Dennis dedma sa magpaparamdam na ex-dyowa, hindi kayang lokohin si Jennylyn: ‘Sorry ka na lang, kung sino ka man’

Ervin Santiago - October 15, 2023 - 07:33 AM

Dennis dedma sa magpaparamdam na ex-dyowa, hindi kayang lokohin si Jennylyn: 'Sorry ka na lang, kung sino ka man'

Dennis Trillo, Jennylyn Mercado at Dylan

NEVER bibigyan ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo ang kanyang asawang si Jennylyn Mercado ng dahilan o rason para magselos o magalit sa kanya.

Yan ang siniguro ng premyadong aktor nang mapag-usapan ang tungkol sa pagpaparamdam ng mga ex sa dati nilang mga karelasyon.

May kaugnayan kasi ito sa kuwento ng primetime series niya sa GMA 7 na “Love Before Sunrise” kasama sina Bea Alonzo at Andrea Torres, na tungkol sa dalawang taong pinaghiwalay pero pinagtagpo uli ng tadhana.

Para kay Dennis, past is past na kaya hindi niya nakikita ang sarili na mai-involve sa kanyang mga ex na muling nagpaparamdam, lalo pa’t may asawa na siya.

“Kung nasa relasyon na ‘ko ngayon, ibig sabihin ‘yun na ‘yung gretaest love ko, eh. Ganoon akong tao so wala naman akong greatest love kundi doon sa current na asawa ko, sa karelasyon ko ngayon,” katwiran ng aktor.

Mukhang super happy naman kasi si Dennis sa piling ng kanyang asawang si Jennylyn Mercado kasama ang anak nilang si Dylan.

Baka Bet Mo: Jennylyn, Dennis lumantad na bilang Kakampink: Kailangan naming manindigan para sa aming mga anak

Dagdag pa niya, “Sa tingin ko, kung sakaling may bumalik man na ex, wala na ‘yung pagkakataon dahil mahirap na mapasok sa gulo.

“Hindi ko na maa-afford na magdagdag pa ng problema sa buhay ko. ‘Yun ‘yung mangyayari kaya sorry ka na lang, kung sino ka man,” mariin pang sabi ni Dennis.

Napapanood ang “Love Before Sunrise” Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, Pinoy Hits at I Heart Movies.

* * *

Magsasama-sama sa hapon ang mga naglalakihang Kapuso stars para sa isang mahiwagang kuwento this November.

Tampok sa mas pinatinding GMA Afternoon Prime ang seryeng “Stolen Life” na pagbibidahan nina Carla Abellana bilang Lucy, Beauty Gonzalez bilang Farrah, at Gabby Concepcion bilang Darius.

Iikot ang kuwento nito sa agawan ng asawa with a twist! Dahil sa pamamagitan ng astral projection, puwedeng humiwalay ang kaluluwa ng isang tao habang natutulog.

Baka Bet Mo: Dennis tagos sa puso ang Mother’s Day greeting kay Jennylyn: Salamat sa lahat ng hirap at sakripisyo mo

Ito rin ang magiging daan ni Farrah para makipagpalit ng katawan at agawin ang masayang buhay ni Lucy.

Ngayon pa lang, naiintriga na ang netizens sa kakaibang istorya ng “Stolen Life.” Very unique rin ang aktingan ng powerhouse cast dito gaya na lamang ni Carla na ipapakita ang kanyang kontrabida side.

Komento ng isang netizen sa teaser na ibinahagi ng GMA Network sa Facebook, “Kontrabida si Carla? OMG! I like the story. Sino kaya ang totoong bida rito? Kaabang-abang na naman! Kabog ang mga artist! Major plot twist!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag palampasin ang world premiere ng bigating suspense drama series na “Stolen Life” this November 13 sa GMA Afternoon Prime.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending