Maris Racal tumakbong panty at bra lang ang suot, wetpaks pinagtripan

Maris Racal
PAK na pak sa mga manonood ang pagtakbo at pakikipagbakbakan ni Maris Racal na ang tanging suot lamang ay panty at bra!
Usap-usapan ngayon sa social media ang mga nakakalokang eksena ni Maris sa action series ng ABS-CBN na “Incognito” na pinagbibidahan din nina Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Anthony Jennings at Daniel Padilla.
Maraming bumilib sa tapang ng Kapamilya actress na gawin ang mga naturang eksena kung saan talagang game na game siyang tumatakbo habang hinahabol siya ng mga kalaban.
Bukod diyan, medyas lang ang suot niya sa paa kaya siguradong nahirapan din si Maris sa mga ginawa niyang stunts sa mga nasabing eksena. Pero worth it naman ang hirap at sakripisyo ng aktres dahil talagang patok na patok ito sa viewers.
May nagkomento pa nga na sa Baguio raw kinunan ang “bra at panty” scene ni Maris pero mukhang dedma lang sa kanya ang lamig doon para lang mas maging makatotohanan ang mga action scenes niya.
Meron namang netizens na pinagpiyestahan ang pwet ni Maris. Ang kinis-kinis daw pala ng wetpaks ng dalaga at inengganyo pang mag-Vivamax na dahil sa kanyang taglay na kaseksihan.
View this post on Instagram
In fairness, mukhang nakalimutan na nga agad ng madlang pipol ang cheating scandal na kinasangkutan nila ng leading man niya sa “Incognito” na si Anthony Jennings.
Mas pinag-uusapan na kasi ngayon ang tambalan nila ni Anthony sa “Incognito” kesa sa umano’y panloloko nila ni Anthony (ex-dyowa ng aktor) kay Jam Villanueva.
“Di nayan sila affected dahil same nmn sila Kaya nga Mas sumikat silang dalawa e.”
“Tapang ni Maris tumakbong naka-bra at panty lang! Congrats girl! Wala nang masyadong samba bash sa inyo ni Anthony! Nice moves!”
“Grabe ang sexy ni Maris!”
“Iba talaga ang magaling, hindi kayang pabagsakin ng mga feeling perfect at mga walang kasalanan. Good job Maris and Anthony.”
“Walang pakialam ang mga tao sa personal life ni Maris. Karamihan sa nanonood ng ‘Incognito’ nakatutok sa talent nila, na ang gagaling talaga.”
“Very good Maris. Impressed ako sa galing mo.”
“MaThon is undeniably great and versatile actors. Beautiful and super talented. They have a unique, naturally lovable style. So real, and they have a great chemistry.”
“Malakas talaga ang dating nila sa mga tao, kaya pinapanood sila at gusto talaga sila.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.