Maris hinamon agad sa 'bra at panty' scene sa 1st taping day

Maris hinamon agad sa ‘bra’t panty’ scene sa 1st taping day: ANG LAMIG!

Ervin Santiago - February 12, 2025 - 12:50 AM

Maris hinamon agad sa 'bra't panty' scene sa 1st taping day: ANG LAMIG!

Maris Racal

KINUMPIRMA ng Kapamilya actress-singer na si Maris Racal na sa Baguio City kinunan ang viral “bra’t panty” scene niya sa ABS-CBN series na “Incognito.”

Nagkuwento si Maris tungkol sa eksena kung saan kinailangan niyang magtatakbo at makipagbakbakan sa mga kalaban nangpanty at bra lang ang OOTD.

In fairness, talagang nag-trending at pinag-usapan nang bonggang-bongga sa social media ang naturang eksena dahil nga first time ginawa ito ni Maris sa isang project.

Sa kanyang Instagram post, sinabi rin ni Maris na talagang nagulat siya nang malaman na ang unang-unang eksenang kailangan niyang gawin sa “Incognito” ay ang pagtakbo wearing only her underwear.

Baka Bet Mo: Kumakalat na chika tungkol sa mga panty ni Andrea sa condo ni Ricci fake news daw, Cristy Fermin may advice sa basketball player

Siyempre, bukod sa pagsusuot ng bra at panty, ang isa pang challenging part ng nasabing eksena ay ang sobrang lamig ng weather sa Baguio City.

“I didn’t expect this to be the first scene I’d have to shoot on day 1 of the Baguio leg for Incognito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Oh well… ang masasabi ko lang ay ANG LAMIG!” ang caption ni Maris sa kanyang IG post

Sa naturang Kapamilya action-thriller series, ginagampanan ni Maris ang karakter ni Gab Rivera. Puring-puri ang aktres pati na rin ang leading man niyang si Anthony Jennings ng mga viewers dahil sa kanilang akting.

Kasama rin nina Maris at Anthony sa serye sina Kaila Estrada, Ian Veneracion, Baron Geisler, Richard Gutierrez at Daniel Padilla.

Narito ang ilang reaksyon ng netizens sa comment section ng article ng BANDERA about the viral scene of Maris.

“Bagay sa knya  ang role hndi bastos tingnan n tumakbo lng prang mag two piece may essence then taas p takong ng shoes. ang galing  nya umakting at mag French.”

“Kahit anong issue ibato, apakagaling n talento, di kayang pakupasin…Inis den ako s cheater, pero she is working so hard tlg, nbgyan nya ng justice ung role nya, bagay n bagay s knya ang action.”

“Ok lang yan Maris at least may ilalabas ka…saka ang galing2 mo sa INCOGNITO salute you…hayaan natin ang bashers…inggit cla kc may ibubuga ka.”

“Ang galing ni maris, Di pa masagwa mag 2 piece. Basta gusto ko syang umarte, Ang galing umatake.. palaban.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Alam nyo po hindi na po bago yan sa akin normal lang yun depende sa pelikula sa ibang pelikula nga meron nagtatalik hubot hubad minsan naman tumatakbo pero kita ang puwet. sa international movies kaya po normal lang po yan na  ganyan sa eksina medyo explict sa pelikula.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending