Andrea binigyan ng motor ang 2 kasambahay, next house & lot

Andrea niregaluhan ng motor ang 2 kasambahay; ang next house & lot

Ervin Santiago |February 28,2024
facebook
share this

Andrea niregaluhan ng motor ang 2 kasambahay; ang next house & lot

Ervin Santiago - February 28, 2024 - 07:59 AM

Andrea niregaluhan ng motor ang 2 kasambahay, bibigyan din ng house & lot

Andrea Brillantes

NAPA-SANA all ang mga netizens sa bagong paandar ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes para sa kanilang mga loyal na kasambahay.

Sinorpresa ni Andrea nang bonggang-bongga ang dalawa nilang “kasama sa bahay” na matagal nang nagtatrabaho para sa kanilang pamilya.

Sa latest YouTube vlog ng aktres, ipinakita kung paano niya ipinaramdam sa kanilang mga kasambahay na sina Sabel at Ryza ang pagmamahal at pagpapahalaga sa mga ito.

In fairness, binigyan lang naman ng “Senior High” lead star ang mga ito ng tig-isang brand new na motorsiklo. Si Andrea pa raw mismo ang pumili nito.

Baka Bet Mo: Kasambahay nag-iiyak nang biglang ‘mag-away’ sina Vice at Ion

Kuwento ng aktres, nahirapan daw siyang mag-isip kung paano ipa-prank ang mga kasambahay para sa kanyang pa-surprise na regalo.

“Hindi talaga ako maalam sa ganitong content. Naisip ko lang na i-film dahil baka matuwa rin kayo, makapag-inspire ako sa mga tao riyan, na to take care of your helpers,” sabi ni Andrea.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)


Ipinadiinan din niya hindi niya ginawa ang naturang vlog “forda content”. Naisipan lang daw niyang i-video ang pagbibigay niya ng motorsiklo sa mga kasama nila sa bahay para pwede nilang balik-balikan.

Baka Bet Mo: Sikat na aktres puro tira-tirang ulam ang inireregalo; kaibigan nagreklamo sa panis na pasalubong

Sey pa ni Blythe (palayaw ng aktres), super dasurved naman daw ng mga kasambahay ang bagong motorsiklo dahil matagal na silang naninilbihan sa kanilang family.

Isang blue Yamaha Aerox ang iniregalo ng dalaga kay Ryza habang green Yamaha NMax naman ang kay Sabel.

Nagpahiwatig pa si Andrea sa plano niyang pagbibigay ng bahay sa dalawa nilang kasambahay.

“I’m not really doing this for content lang. Naisip ko lang na i-film siya kasi memories din ‘to for me and Ate Sabel and Ryza.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Para siyempre, mabalik-balikan namin ‘to para next na ibibigay ko sa kanila eh house and lot. Sana umabot ako sa ganoong point,” sey pa ng aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending