Darryl Yap sa ‘Maid In Malacañang’: Gusto ko lang maisapelikula ang sinasabi kong nawawalang piraso ng ating kasaysayan…
SA unang pagkakataon ay kasama ang mag-amang Vic del Rosario, Jr. at Vincent Del Rosario lll sa virtual mediacon ng “Maid in Malacañang” na ididirek ni Darryl Yap.
Excited si boss Vic sa latest project ng Viva na maisapelikula ang kuwento ng huling tatlong araw ng pamilya Marcos sa Malakanyang bago sila lumipad patungong Hawaii.
“I want to thank Senator Imee (Marcos) in front of the press for all the help she’s done in the industry from the 70’s up to today. Magkasama kami niyan sa Metro Pop na actually siya ang nag-organize. Doon sa unang Metro Pop palang ay nakilala na sa buong mundo ‘yung kantang Anak (ni Freddie Aguilar).
“Senator Imee was really behind that festival on how to promote the Original Pilipino Music and after nu’n, itinayo namin ‘yung Cecil Awards (1982) pinaka-local Grammy sa Pilipinas na siya rin ang nag-push na ang pangalan ay ibinigay noon kay Cecil Lloyd na pinakamagaling nating mang-aawit noong panahon (niya).
“I hope we can continue that again Senator Imee and of course ‘yung pagiging head niya sa Experimental Cinema of the Philippines na nagawa ‘yung mga classic movies like Himala at Oro Plata Mata.
“And I think ngayon sa simula ng ating bagong gobyerno lalo nating mapapaunlad an gating entertainment industry and hopefully hindi lang sa Pilipinas kundi hanggang sa labas ng aming pinag-uusapan ni Senator.
“I think itong pelikulang ito (Maid in Malacanang) ay magiging very memorable and hopefully will be the most viewed movie in the Philippines at all times,” ang bahagi ng opening remark ng Viva honcho.
Nabanggit ding marami pa silang projects na pinag-uusapan ng ate ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
View this post on Instagram
Samantala, abut-abot naman ang pasasalamat ng tinaguriang “spoiled director ng Viva” na si Darryl Yap dahil sa kanya ipinagkatiwala ang pelikula ng Marcos family.
“Nagpapasalamat po ako sa pagkakataong ito sa pagbibigay ng lisensya at pahintulot na maisapelikula ang sinasabi kong nawawalang piraso ng ating kasaysayan at ‘yun ay ang marinig ang kabilang panig. Sa ngalan ng buong pamilya Marcos, ako po ay pinagbigyan at maraming salamat po Senator Imee sa pagkakataong ito,” pahayag ng direktor.
Ayon naman sa ate ni BBM, hindi babaguhin ang katotohanan kundi dadagdagan ang kaalaman kung ano talaga ang nangyari sa kanila sa mga huling araw nila sa Malakanyang noong 1986.
“Hindi natin binabago ang katotohanan, dinadagdagan lang ng kaalaman namin. I’m very sure that the trust and confidence of my family as have with our co-conspirator and ally in the arts, Vic Del Rosario and the entire Viva team together with my accomplished in all things online director Daryll Yap.
“We should have an entertaining fun-filled and controversy laden a movie and I’m not looking for controversy but unfortunately there will be have some truths told and some lies revamp finally,” pahayag ng senadora.
Gaganap sa pelikula bilang mga kasambahay ng pamilya Marcos sina Elizabeth Oropesa bilang si Yaya Lucy, Beverly Salviejo as Yaya Biday at Karla Estrada sa papel na Yaya Santa.
Nabanggit din ng mambabatas na sa pagkapanalo ng kapatid niyang si BBM ay umaasang malilinis ang pangalan ng kanilang yumaong amang si ex-President Ferdinand Marcos, Sr.
“The return to Malacañang, galing na kami doon, e, kung tutuusin hindi masyadong mahalaga yung pagbabalik sa Palasyo. What’s most important to us is, of course, our name, the family name that has become so controversial, and so difficult at times to bear. The legacy of my father is what we hope will be clarified at last,” sambit pa ng senadora.
Ang iba pang bibida sa “Maid in Malacañang” ay sina Cesar Montano as President Ferdinand Marcos, Sr, Diego Loyzaga sa papel na Bongbong Marcos, Ella Cruz sa role na Irene Marcos, Cristine Reyes bilang si Imee Marcos at Ruffa Gutierrez na gaganap bilang Imelda Romualdez Marcos.
https://bandera.inquirer.net/316053/diego-loyzaga-parang-naka-jackpot-sa-pagganap-bilang-bongbong-marcos-tawagin-niyo-rin-po-akong-loyalist
https://bandera.inquirer.net/316952/cristine-sa-pagganap-bilang-imee-marcos-ang-tindi-ng-pressure-pinag-aralan-ko-talaga-bawat-salita-at-kilos-niya-pati-ikot-ng-mata
https://bandera.inquirer.net/316857/diego-patung-patong-na-pressure-ang-napi-feel-sa-pagganap-bilang-bbm-cesar-great-blessing-ang-pagbibida-sa-maid-in-malacaang
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.