Alma Concepcion pinayuhan si Herlene Budol para mas lumakas ang laban sa Bb. Pilipinas 2022 | Bandera

Alma Concepcion pinayuhan si Herlene Budol para mas lumakas ang laban sa Bb. Pilipinas 2022

Ervin Santiago - April 17, 2022 - 07:17 AM

Alma Concepcion at Herlene Budol

NANINIWALA ang aktres at dating beauty queen na si Alma Concepcion na malakas ang laban ng Kapuso comedienne na si Herlene Budol kapag nakapasok sa official candidates ng Binibining Pilipinas 2022.

Nagbigay ng ilang tips si Alma na kinoronahang Binibining Pilipinas International noong 1994, para sa mga Pinay na nangangarap magkaroon ng korona at titulo bilang beauty queen at makarampa sa international pageant.

Unang paalala ng aktres, kailangang karirin at seryosohin ng mga sasali sa beauty pageant ang kanilang mga training dahil dito talaga nagsisimula ang journey ng isang kandidata.

“You have to know kung saan ka weak and then ’yon na lang ’yung homework mo kasi you will really have to improve every day especially when there’s a competition coming up,” pahayag ni Alma sa virtual mediacon ng bagong Kapuso series na “False Positive.”

Pahayag pa niya, “Dati, nag-train ako for free sa mga gusto sumali ng pageants and always tell them that overpreparation is always better than underpreparation. Siyempre sasali ka, ang goal mo na dapat, manalo.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)


Bukod sa pagpe-prepare physically para sa sasalihang pageant, kailangang ihanda rin ng mga kandidata ang kanilang utak.

“You have to think like an athlete. Kailangan ang attitude nila lagi, ‘eyes on the prize’,” sabi pa ni Alma.

Samantala, super na-excite naman ang aktres nang malaman niyang sumali ang co-star niya sa “False Positive” na si Herlene Budol sa Binibining Pilipinas 2022.

Ayon kay Alma, napakalaki ng chance ni Herlene na manalo dahil bukod sa kanyang ganda at height, napakseksi rin nito at may strong personality.

Payo ng dating reyna kay Hipon Girl, isapuso lang niya ang lahat ng ginagawa niyang training dahil naniniwala siya na mas okay na ang maging “overprepared” kesa “underprepared.”

Samantala, ang “False Positive” ay pinagbibidahan nina Glaiza de Castro at Xian Lim at mapapanood na simula sa May 2 sa GMA 7.

https://bandera.inquirer.net/309320/basher-walang-awang-nilait-at-minaliit-si-herlene-budol-maganda-ka-sana-kaya-lang-bobita-ka

https://bandera.inquirer.net/304563/herlene-budol-hindi-kumita-sa-mga-naunang-vlogs-nakakalungkot-lang-isipin-kasi-kahit-kani-kanino-ako-nagtiwala

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/297626/osang-alma-sa-mga-baguhang-sexy-star-pag-sumikat-kayo-wag-lalaki-ang-ulo-dahil-yan-ang-ikasisira-nyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending