Snooky sa nakakulong na ex na si Ricardo: May kunsensiya siya

Snooky sa nakakulong na ex na si Ricardo Cepeda: May kunsensiya siya

Reggee Bonoan - August 21, 2024 - 10:48 AM

Snooky sa nakakulong na ex na si Ricardo Cepeda: May kunsensiya siya

Snooky Serna at Ricardo Cepeda

“I KNOW he will get through this, sa awa ng Diyos at kung hindi man natin kaya, ang Diyos na ang magbi-vindicate sa atin,” ang positibong pahayag ni Snooky Serna.

Ito’y patungkol sa dati niyang asawa na si Ricardo Cepeda na kasalukuyang nakapiit ngayon dahil sa kasong estafa.

Sa pagpapatuloy ng ikatlong bahagi sa panayam kay Snooky sa YouTube channel ni Morly Alinio na “Ito ang Tondo” ay hiningan siya ng reaksyon tungkol sa estado ngayon ng buhay ni Ricardo.

Baka Bet Mo: Jose Mari Chan pinalalabas na dahil sa init: Parang awa n’yo na po!

Sampung buwan na ngayong nakakulong ang aktor simula noong inaresto siya buwan ng Oktubre, 2023 sa kasong syndicated estafa ng isang sale company na ang tanging partisipasyon ng aktor ay pagiging brand ambassador.


Ayon sa reklamo ng may-ari ng sales company ay kasama si Ricardo sa investor ng kumpanya bagay na itinanggi nito.

Sa kasalukuyan ay sa Tuguegarao, Cagayan Provincial Jail nakakulong si Ricardo at inilipat siya rito noong Nobyembre, 2023 dahil sa nasabing probinsya inihain ang reklamo and as of now ay naghihintay pa rin ng kanyang hearing ang aktor.

Noong Marso  2024 ay nagtatag ng GoFundMe ang kapatid ni Ricardo para sa pangpiyansa at pambayad ng abogado.

Kaya ang tanong ni Morly kay Snooky ay ano ang masasabi niya na ang ama ng dalawang anak ay nakapiit.

Baka Bet Mo: Roderick hindi nakulong matapos masangkot sa isyu ng ‘ghost employees’, ‘unfair’ daw ang pagbabalita sa kaso

“At this point in time I don’t think it’s my place to say anything because una sa lahat everything is still in court pa and I don’t want to aggravate the situation.

“And on the same level, on the same place nirerespeto ko si Marina (Benipayo) as Richard’s partner and wife. I don’t think it’s my position to say anything about that,” katwiran ng aktres.

At bilang dating asawa ano ang pagkakakilala ni Kooky kay Ricardo? “He is a good man, he is a man who is God fearing, he is a person who was always been kind, who was always been sincere in his feelings, may konsensiya.”


Banggit pa njya, “I know he will get through this sa awa ng Diyos. May Diyos tayo at kung hindi man natin kaya, ang Diyos na ang magbi-vindicate sa atin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa part 4 ng panayam ni Snooky ay tungkol naman sa taong kasama niya ngayon sa buhay at nagpapasaya sa kanya ang ibabahagi namin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending