Jose Mari Chan pinalalabas na dahil sa init: Parang awa n'yo na

Jose Mari Chan pinalalabas na dahil sa init: Parang awa n’yo na po!

Ervin Santiago - May 01, 2024 - 08:22 AM

Jose Mari Chan pinalalabas na dahil sa init: Parang awa n'yo na po!

Jose Mari Chan at Christian Bautista

WINNER na winner ang paandar na “palamig” ni Christian Bautista tungkol sa napakatindi at nakakapasong init ng panahon ngayong summer season.

Havey ang hirit na Instagram post ng Kapuso singer-host kung saan kasama pa niya ang OPM legend na si Jose Mari Chan na kunwari’y nagchichikahan about the heat index sa bansa.

Actually, kuha ang mga litratong ipinost ni Christian sa kanyang IG page sa presscon ng kanilang Christmas concert a few months ago.

Baka Bet Mo: Alden Richards gustong makatakas sa matinding ‘hotness’ ng summer: ‘Hindi po kasi talaga ako fan ng init’

Ito nga ang ginamit ng singer-actor para sa kanyang entry to beat the summer heat. Dito, pinakiusapan niya kunwari si JMC na gawin nang December ang April para lumamig-lamig naman.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by christian bautista (@xtianbautista)


Knows naman ng lahat na kapag “Ber Months” na ay sandamakmak na memes na ni Jose Mari Chan ang naglalabasan bilang hudyat ng Christmas sa Pilipinas.

Narito ang inilagay na caption ni Christian sa kanyang IG post.

Baka Bet Mo: Jose Mari Chan feeling blessed sa pagkakaroon ng sariling Funko pop; ka-level na sina Pacquiao at Jo Koy

“Sir JMC, Can we just stop and talk awhile ? kailangan na po namen ang boses nyo para lumamig ng konti napakainit ng panahon po sobra!” ang hirit ni Christian.

Ang sagot naman sa kanya ni JMC,  “April pa lang Christian malayo pa September… life is a Constant Change lalamig din sa tamang Panahon.”

Sagot naman ni Christian sa OPM icon, “Parang awa nyo na po let us sing Merry Christmas na …and a happy holidays….we need some Christmas in our hearts Baka naman po.”

“Christian let us Refrain a little from going outside too much muna. Para di ma heatstroke…” ang tugon naman kunwari ng tinaguriang “Father of Christmas Songs.”

Marami naman ang nag-react sa IG post ng Kapuso star, narito ang ilan.

“Parang awa nyo na Po aw hahahaha!”

“Natumpak lahat ng songs ni JMC hehehe while reading it naririnig ko ung versions mo sir Christian Bautista sa romance revisited hehehe.”

“Life is a constant change, words from a wise man.”

“Labas na Po kayo please.”

“Ang galing pasok lahat.”

“Kanta n po kyo please hehehe sobrang init po kc.”


“Tama naman si JMC, April pa lang naman, pagsapit ng last week ng August, mapapagod na Siya Hanggang mid of January.”

Marami rin kaming nakitang memes ni JMC sa social media na may konek sa Pasko at summer season na pinusuan at kinaaliwan ng mga netizens.

Narito ang ilan sa mga punchlines at one-liner na ginamit ng mga netizens sa kanyang summer memes.

“Lalabas na ba ko?”

“Gusto n’yo na ba akong marinig dahil sa sobrang init?”

“Sabihin n’yo lang kung kailangan na akong lumabas.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Gusto n’yo na ba akong marinait? Pilotin n’yo ko!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending