Alden Richards gustong makatakas sa matinding 'hotness' ng summer: 'Hindi po kasi talaga ako fan ng init' | Bandera

Alden Richards gustong makatakas sa matinding ‘hotness’ ng summer: ‘Hindi po kasi talaga ako fan ng init’

Ervin Santiago |April 30,2023
facebook
share this

Alden Richards gustong makatakas sa matinding ‘hotness’ ng summer: ‘Hindi po kasi talaga ako fan ng init’

Ervin Santiago - April 30, 2023 - 07:14 AM

Alden Richards gustong makatakas sa matinding init ng summer: 'Hindi po kasi talaga ako fan ng init'

Glenda dela Cruz at Alden Richards

KNOWS n’yo ba na hindi pala mahilig mag-outing at maglamiyerda sa kung saan-saan ang Asia’s Multimedia Star at Pambansang Bae na si Alden Richards?

Iyan ang inamin ng Kapuso matinee idol nang makachikahan ng mga miyembro ng entertainment media kamakailan kung saan nabanggit nga niya na hindi raw talaga siya fan ng summer.

Sey ni Alden, kapag may pagkakataon at medyo maluwag ang kanyang schedule o walang masyadong trabaho, sa ibang bansa niya dinadala ang kanyang pamilya kapag summer season.

“Hindi po kasi talaga ako fan ng init. So sometimes what we do on summer days, very seldom, we go on trips abroad with family sa mga lugar kung saan winter.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02)


“Makatakas man lang sa init ng Pilipinas. Pero kung hindi naman po, kahit paano, I see to it na nadadala ko rin sila sa beach kahit by land lang yung travel.

“Kasi taga-Laguna naman po talaga ako so most of the time po nadadala ko po sila sa Batangas. So, ‘yun po, swimming-swimming po kami du’n,” paliwanag pa ng Kapuso star.

Baka Bet Mo: Alden bilib sa pagiging totoong tao ni Julia, 2 araw nag-bonding: ‘She’s really a brave woman! Ang tapang!’

And speaking of summer, inamin din ni Alden na tamad siyang gumamit ng mga skincare products. Aniya, sa simula lang daw siya masipag pero kapag medyo matagal na, nakakalimutan na niya itong gawin.

“Naliligo naman po every day. Malinis ako sa katawan. Pero tamad ako sa mga ganyan. Sa una ko lang sisimulan then eventually malilimutan,” ang natawang chika ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02)


Ngunit dahil nga sa matinding init na nararanasan natin ngayon sanhi ng global warning, kailangan na talaga nating karirin ang paggamit ng mga pamproteksyon sa katawan, lalo na sa mukha, kabilang na ang sunscreen.

Chika nga ng binata, nu’ng minsang nag-shoot siya sa beach ay nakalimutan niyang magpahid ng sunscreen kaya ang ending umitim agad ang mukha niya.

“Since this is an industry showcasing our physical looks so kailangan na talagang alagaan ang balat, kahit mga lalaki,” ang pahayag ni Alden sa media launch ng bago niyang endorsement last Tuesday, ang sunscreen ng Brilliant Skin Essentials na pag-aari ni Glenda dela Cruz.

“When I started in showbiz po talaga, I got exposed to the so called glam team, before po kasi talaga wala po akong pakialam eh. Sobrang tamad ko po when it comes to skin care, kapag sa katawan,” aniya pa.

“Ngayon po kasi iba na ‘yung weather sa paligid natin because of global warming and climate change, hindi na po siya arte sa katawan eh.

“Kailangan mo na talagang gamitin para to take care of yourself. Kailangan po talaga kahit papaano inaalagaan po natin ‘yung katawan po natin in terms of putting skincare even sa mga lalaki ngayon,” dagdag pa niya.

Ayon naman kay Miss Glenda, it’s important that men are also figures of taking care of their bodies, “Sobrang happy ako na finally, meron kaming male endorser, kahit mga lalaki, it’s okay na parang ang ganda pa ring tingnan.”

Ayon kay Alden, gel ang texture ang Brilliant sunscreen cream na may sheer finish kaya hindi malagkit at safe and effective laban sa UVA at UVB rays.

Kim naloka sa pag-angkas kay Xian: Kinabahan ako kasi ang laki-laki ng motor mo parang kabayo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paalala ni JM sa lahat ng lalaki: Hindi talaga dapat sinasaktan ang mga babae

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending