Lovely Abella ‘dream come true’ ang bagong resort: Magtiwala ka lang, may kanya-kanyang plano si Lord | Bandera

Lovely Abella ‘dream come true’ ang bagong resort: Magtiwala ka lang, may kanya-kanyang plano si Lord

Pauline del Rosario |March 09,2023
facebook
share this

Lovely Abella ‘dream come true’ ang bagong resort: Magtiwala ka lang, may kanya-kanyang plano si Lord

Pauline del Rosario - March 09, 2023 - 02:15 PM

Lovely Abella ‘dream come true’ ang bagong resort: Magtiwala ka lang, may kanya-kanyang plano si Lord

PHOTO: Instagram/@lovelyabella_

ABOT langit ang pasasalamat ng mag-asawang Lovely Abella at Benj Manalo matapos matupad ang pinapangarap nilang resort sa Pampanga.

Sa Instagram, ipinasilip ni Lovely ang ilang litrato ng ipinapaayos na resort at ikinuwento pa kung paano nila sinimulan ang magiging bagong negosyo.

Kwento niya, “Matagal ng pangarap ng asawa ko @benj na magkaroon ng bahay sa tabing dagat pa ang gusto niya, pero dahil naiba ang Priority namin, nakalimutan na namin lahat ng yun, hanggang sa isang araw tinamaan ng Anxiety ang asawa ko at nag-aya siya na mag-outing.”

“Doon namin narealize na ang sarap magpahinga sa malayo, sarap magpahinga sa tahimik na lugar, sa lugar na tabi ng maraming puno at bigla namin to pinuntahan sa Mexico, Pampanga. Hanggang sa na-inlove na kami sa lugar na ‘to, dahil naisip na din namin na ipa-Private Rent na din sa iba.”

Mensahe pa ni Lovely sa publiko na hindi lang dapat idaan sa dasal ang mga pangarap sa buhay kundi dapat ay sabayan din ito ng aksyon.

Baka Bet Mo: Lovely Abella lalong nabuhayan ng loob, narinig ang heartbeat ng ‘miracle baby’

“Kaya ikaw na nagbabasa nito, alam ko madami kang pangarap, madami kang plano sa buhay, pero hindi pwede na ipagdasal mo lang at si Lord na ang bahala, kasi kailangan sabayan ng sipag, tiyaga at diskarte sa buhay,” sey ng aktres.

Aniya pa, “‘Di man agad binibigay pero tulad ng lagi kung sinasabi sa inyo may kanya kanyang plano sa atin si LORD magtiwala ka lang [folded hands emojis].”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lovely Abella-Manalo (@lovelyabella_)

May parehong post din mismo si Benj sa IG at masaya naman niyang sinabi na matatapos na ang ipinare-renovate na resort sa darating na Abril.

Caption ng mister ni Lovely, “Casa Manalo Resort soon!!! Praise God for this! New opportunities for our neighbors from Mexico, Pampanga [happy face emoji] give us until april mag-renovate lang kami konti tapos open for bookings na 🙂 see you soon mga zuki!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Benj Manalo (@benj)

Todo-suporta naman sa bagong business venture ang ilang kapwa-artist katulad nina Jerald Napoles, Chariz Solomon at Kakai Bautista.

Taong 2021 nang ikinasal sina Lovely at Benj matapos ang anim na taong relasyon.

Kamakailan lang din ay inanunsyo ng mag-asawa na ipinagbubuntis na ni Lovely ang kanilang panganay na anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related chika:

Lovely Abella, Benj Manalo magtatayo ng ‘first-ever live selling mall’ sa Pinas: Marami pa tayong ilalaban!

Alice Dixson ipinasilip ang itsura ng tatay ni Baby Aura: Mama & Papa… my forever!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending