Alice Dixson ipinasilip ang itsura ng tatay ni Baby Aura: Mama & Papa... my forever! | Bandera

Alice Dixson ipinasilip ang itsura ng tatay ni Baby Aura: Mama & Papa… my forever!

Ervin Santiago |September 20,2021
facebook
share this

Alice Dixson ipinasilip ang itsura ng tatay ni Baby Aura: Mama & Papa… my forever!

Ervin Santiago - September 20, 2021 - 04:00 PM

Alice Dixson

MAY pasilip sa unang pagkakataon ang “Legal Wives” star na si Alice Dixson sa itsura ng tatay ng panganay niyang anak na si Baby Aura.

Ibinahagi ng Kapuso actress sa kanyang Instagram account ngayong araw, Sept. 20, ang ilang litrato kung saan kasama niya ang isang non-showbiz guy sa isang beach resort.

Makikita sa isang photo si Alice na nakakandong sa lalaki habang yakap-yakap naman siya nito. Tinawag pa niya itong “forever” at “papa” ng kanyang baby.

Pero mukhang hindi pa rin handa ang aktres na ipakita sa publiko ang tunay na itsura ng kanyang karelasyon dahil bukod sa hindi na niya pinangalanan ito ay tinakpan din ni Alice ang bahagi ng mukha ng lalaki.

May suot ding dark shades ang guy pero makikitang may pagkamestiso ito, balbon at mala-hunk din ang katawan habang si Alice naman ay naka-white bikini.

Ang caption na isinulat ng aktres sa nasabing post ay, “Monday mornings be like … (flying kiss emoji) Mama & Papa My forever.”

Pinusuan at ni-like naman ng mga netizens ang sweet photo ni Alice at ng kanyang mystery guy. May mga nag-comment naman na mukhang artistahin din ang guy base sa nakita nilang litrato.

Sey pa nga ng ilang IG followers ng aktres akala raw nila ay mas matanda ang kanyang partner pero parang magka-age lang daw ang dalawa.

Kung matatandaan, taong 2018 nang kumalat ang balitang may bagong partner na si Alice matapos mag-viral ang litrato niya sa Boracay na nakasailalim noon sa six-month closure para sa rehabilitation nito.

Tanong ng mga netizens, bakit daw nakapag-stay sa Boracay ang aktres gayung sarado ang buong isla sa mga turista.

Kaya naman nag-issue ng official statement ang Crimson Resort and Spa Boracay at sinabing legal ang pagtira ni Alice sa isla dahil kasal ito sa isang top executive ng resort.

“The resort is not violating any government regulation regarding the closure.

“It is not accepting and entertaining guests at the resort, contrary to the articles released in the media where actress Alice Dixson was seen on the island.

“Ms. Dixson is the wife of a top executive of Crimson Resort & Spa Boracay. They are both residents of the island with proper documentation.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“This has been confirmed and verified during an inquiry done by the Department of Interior and Local Government,” sabi pa ng nasabing resort.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending