Wifey ni Christian Bautista na si Kat Ramnani hindi naniniwala sa kasal, pero biglang nagbago ang isip…anyare?
WALANG kabalak-balak magpakasal at mag-asawa noon ang misis ni Christian Bautista na si Kat Ramnani.
Paliwanag ni Kat, ang may-ari ng talent management agency na NYMA, may mga personal reason siya kung bakit ayaw niyang magpakasal at bumuo ng sariling pamilya noong kabataan niya.
Sa YouTube vlog ng TV host-actor na si Luis Manzano, nagbahagi sina Kat at Christian ng ilang mga detalye at kaganapan sa kanilang married life.
Sa isang bahagi ng video, diretsahan ngang inamin ni Kat ang paniniwala niya noon tungkol sa usaping kasal at pag-aasawa.
“I came from a single-parent household, so it wasn’t modeled for me na ganito pala ang marriage. It was my mom, sister, and I against the world,” pahayag ng misis ni Christian.
View this post on Instagram
Aniya, nang ma-meet na niya ang Kapuso singer-actor ay hindi niya na-feel na karapat-dapat siyang mahalin dahil sa mga nangyayari sa kanyang buhay.
Baka Bet Mo: Kat Alano may ‘hugot’ sa socmed: People will cancel you for cake but celebrate you for rape
“When Christian and I found each other, I was in a place na hindi ko na-feel na I deserve love.
“Na-feel ko lang na parang ‘yung buhay ko should be to support my mom and my sister. Hindi ko na-feel na worthy ako at na mahal niya ako at my worst,” pag-amin pa ni Kat.
Si Christian daw ang unang taong totoong nagparamdam sa kanya ng tunay at sincere na pagmamahal hanggang sa maramdaman na niya na gusto na rin niyang magpakasal.
“Ipinakita niya sa akin what I could be at my best, so how could you not know that’s not the person for you? For the first time, I knew in my heart I wanted to get married,” pahayag pa ni Kat.
“He’s the first person I’ve ever wanted to marry,” sabi pa ni Kat na ikinakilig naman ni Christian.
Matatandaang nag-propose si Christian kay Kat noong October, 2017 at ikinasal sa Bali, Indonesia noong November. 2018.
Kat Alano umalma sa pamba-bash na natatanggap: Akala n’yo madali ito?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.